
Luis, Jessy’s family in one place: Calls for a wedding?
Maituturing ni Luis Manzano na ang nakaraan niyang birthday noong April 21 ang pinakamasaya at memorable.
Sa surprise birthday dinner kasi sa kanya ng kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola na ginawa sa Solaire, ay dumating ang buo niyang pamilya.
Nandun ang mommy niyang si Congw. Vilma Santos, daddy niyang si Edu Manzano, step brother na si Ryan Christian at step father na si Sen. Ralph Recto.
Kitang-kita sa mukha ni Luis ang sobrang kaligayahan na napagsama-sama ni Jessy ang kanyang pamilya bukod pa sa nandun din ang pamilya ni Jessy at mga malalapit niyang kaibigan.
Kaya naman sa picture ni Luis na kasama ang kanyang pamilya with Jessy, na pinost niya sa kanyang Instagram account, sa caption na nilagay niya ay pinasalamatan niya ang girlfriend.
Sabi niya sa kanyang IG post, “What a night!!!!! the night was all about the smiles on our faces in these pictures!! 🙂 thank you very much to my wonderful howhow @senorita_jessy for bringing EVERYONE together! I just realized that it was the first time that both sides of my family were in one place AND… your family being there too!!! ( i love the family pic) “YOU ARE , can’t even find a word that would suffice ! Love you how!! To all my “surprise guests,” my family/families, the barkada/familia/crazy friends from all over the world, team Luis, luisters, and last but definitely not the least…My howhow’s family too… i love you and THANK YOU. Thanks also to @solaireresort and Ms. Anna Peleo for accommodating our crazy group.”
O di ba, hinding-hindi makakalimutan ni Luis ang nakaraan niyang birthday? To Luis, happy birthday!
******************
Sa ika-isandaang taong selebrasyon ng pelikulang pilipino, ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay magdadala ng isang malaking delegasyon ng mga Filipino filmmakers, artists, and members of the academe bilang ang Pilipinas ang country of focus ngayon sa Far East Film Festival na mangyayari sa Abril 24 hanggang 29 sa Udine, Italya.
Ang mga pelikulang for competition ay ang “Si Chedeng at si Si Apple,” “Smaller and Smaller Circles” at “Ang Larawan,” habang ang Ricky Lee classics naman na “Himala” at “Moral” ng namayapang direktor na si Marilou Diaz-Abaya ay ipapalabas naman sa restored film classics feature.
Sa layuning ipakita ang ating pinagmamalaking filmmakers sa Far East Film Festival, magdadala ang FDCP ng mga piling filmmaker at speaker para sa Sandaan: Philippine Cinema Centennial Talks.
Kabilang sa mga magsasalita sina Mr. Ed Lajano, Direktor ng QCinema, Bianca Balbuena, CEO ng EpicMedia, renowned actress na si Elizabeth Oropesa at FDCP Chairperson and CEO Liza Diño para sa Filipino Popular Cinema na pamamahalaan ni Mr. Max Tessier, Abril 26.
Ang Film Historian at dokumentaristang si Nick Deocampo ay magsasalita tungkol sa Discovering the Past: Asian Film History – Filipino Cinema during WWII, na ipapakilala ni G. Roger Garcia, Festival Director ng Hong Kong International Film Festival sa Abril 27.
Bukod sa mga ito, ipinagmamalaki ng FDCP na ipahayag na tatlong film projects mula sa Pilipinas ang nakapasok sa 14 titles na pinili ng Focus Asia, ang Far East Film Festival Project Market na nakatuon sa genre cinema.
Ang mga projects in development na ito ay ipapakita sa higit sa 200 na mga propesyonal na bumubuo ng mga panel, one-on-one meetings, projection at networking opportunities.
Ang mga ito ay “Belen” ni Quark Henares, produced nina Bianca Balbuena at Bradley Liew, Epicmedia Productions Inc., “Quantum Suicide” ni Mikhail Red, na produced ni Micah Tadena, Media East Productions at Taro Imai, Harakiri Films, na co-produced with Japan at “Wilderness” ni Nadira Ilana, na produced ni Nadira Ilana, Telan Bulan Films at Pamela Reyes, Create Cinema at Panuksmi Hardjowirogo, M’GO Films, isang co-production sa pagitan ng Malaysia, Pilipinas, at Singapore.
Sa kabilang banda, ang Filipino Producer na si Monster Jimenez ng Arkeo Films at ang kanyang project in development, “Return of the Owl” ni Martika Ramirez Escobar ay nakapasok sa 15 selected projects para sa ikasampung edisyon ng Ties That Bind, ang Asia-Europe co-production workshop na pagsasamahin ang Asian at European professionals sa development ng film projects.
Ang mga napiling pelikula ay magkakaroon ng pagkakataong makilala ang mga producer, financier at distributor na naroroon sa mga araw ng Focus Asia para sa potensyal na partnership sa development ng kanilang pelikula.
Ang Far East Film Festival ay tatakbo simula Abril 20-29.