
Angeline Quinto breaks down as bashers hit her mom
Patuloy ang pangba-bash ng mga Popsters kina Angeline Quinto at Morissette Amon dahil sa isyung pinagtawanan ng dalawa ang pagiging emosyonal ni Sarah G sa kanyang concert sa Las Vegas.
Agad namang humingi ng sorry ang Popstar Royalty kay Angeline. Kinuwento rin ni Angeline kung paano sya naapektuhan dahil sa pangdadamay ng mga basher sa kanyang ina.
Sabi ni Angeline sa panayam sa kanya ni MJ Felipe sa Bandila, “Ayoko na pong sabihin ‘to, pero sobrang lalo na akong humanga kay Sarah. Kasi nakatanggap po ako ng message sa kanya at humihingi po siya ng sorry sa akin.”
Sa ginawang paghingi ng sorry ni Sarah kina Angeline at Morissette, iisa lang ang ibig sabihin nito, na hindi siya naniniwala na may kuhang video na pinagtatawanan siya at tinawag pa umano siyang pabebe.
Sabi nga ni Angeline na naghahamon sa mga tagahanga ni Sarah, na ipakita sa kanila ni Morissette ‘yung video na sinasabi, kung totoong meron.
Balak nina Angeline at Morissette na magsampa ng demanda laban sa kanilang bashers/haters. Hindi kasi nila ma-take na pati ang kani-kanilang ina ay idinadamay pa ng mga ito, na minumura ng kanilang bashers.
********************
Nakakatuwa naman itong si Miko Doble, na alaga ng aming kaibigang si Francis Doble.
Hindi pa man siya artista ay pinagkakaguluhan na siya.
Tuwing nagpupunta siya sa mga school, ang daming lumalapit sa kanyang mga estudyante para magpa-picture na akala ng mga ito ay artista siya.
Gwapo naman kasi at flawless itong si Miko, artistahin talaga ang dating niya. Nung mag-guest siya sa kapistahan sa Sto. Domingo, Nueva Ecija, nung lumabas na siya sa stage para mag-perform, ay hiwayan ang mga tao.
At may isang matandang babae pa nga na umakyat sa stage at niyakap siya. Hindi bumitaw sa pagkakayakap ang matanda sa kanya hanggat hindi siya natatapos kumanta. O, di ba, bongga si Miko?