May 22, 2025
Sunshine Cruz leaves Kapamilya network for ‘Karibal Ko Ang Aking Ina’
Latest Articles This is it!

Sunshine Cruz leaves Kapamilya network for ‘Karibal Ko Ang Aking Ina’

May 7, 2018

Nung magbalik-showbiz si Sunshine Cruz after nilang maghiwalay ni Cesar Montano noong 2013 ay ang ABS-CBN 2 ang nagbigay sa kanya ng second chance para maging aktibo muli sa pag-arte.

Binigyan siya ng mga serye, at ang huli nga ay ang “Wildflower” na pinagbidahan ni Maja Salvador.

Pero nung natapos na ang “Wildflower,” tinanggap ni Sunshine ang offer sa kanya ng GMA 7 para sa “Karibal Ko Ang Aking Ina,” ang serye na pagbibidahan nila ni Bea Binene.

Pero marunong namang magpasintabi si Sunshine, dahil bago niya tinanggap ang nasabing serye, kinausap muna nila ng kanyang manager na si Arnold Vegafria ang ilang executives ng Kapamilya network para sabihin na may offer sa kanya ang Kapuso network at tatanggapin niya ito.

fb_img_1525685638812

Naintindihan naman siya ng ABS-CBN 2. Pumayag naman ito.

Nagpapasalamat naman si Sunshine sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Kapuso network.

Hindi siya makapaniwala na sa dinami-rami ng aktres, ay siya ang napili nito para ibigay ang role sa pagsasatelebisyon ng “Karibal Ko Ang Aking Ina” na pinagbidahan sa pelikula noong 1982 nina Gloria Diaz at dating aktres na si Luisa Muñoz.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Made na si LA Santos, dahil ang first major solo concert niya billed as #Petmalu, na ginanap sa Music Museum, April 30, ay isang malaking tagumpay.

Punong-puno ang naturang venue. Hindi pinabayaan si LA ng kanyang mga tagahanga, at mga nagmamahal sa kanya.

received_10216874212757078

Talagang ipinakita at ipinadama ng mga ito ang suporta nila sa tinaguriang “The Singing Idol.”

Hindi ko napanood ang concert, dahil that time ay nasa Bulacan ako, dumalo ako sa birthday ng isang malapit na kaibigan.

Nakibalita lang ako tungkol dito. At nalaman ko nga ang pagiging successful nito, at ang husay na ipinamalas dito ni LA, na ayon sa mga nakapanood, ay talagang performance level siya.

Ibinigay niya ang best niya sa kanyang #Petmalu concert.

Siyempre pa. sobrang proud kay LA ang kanyang mommy Flor, at si Joed Serrano, na siyang producer ng kanyang concert.

Na kahit baguhan pa lang siya bilang isang singer, ay hindi natakot na sugalan siya sa kanyang first major concert.  Na talagang naniwala ito, na kaya niyang magdala ng isang concert.

To LA at sa lahat ng bumubuo ng concert, congrats!

Leave a comment