
Net25 airs inspirational talk show “RYTS”
Si Kuya E ang host sa bagong show ng Net 25 titled Ryts (Rule Yourself To Success), na nagkaroon ng pilot episode, May 12, 4-5 pm.
“Ang Ryts po, more on inspiration po siya. It’s a talk show na pinag-uusapan ang back story ng mga guest natin, like singers, artista at ‘yung mula po sa industriya ng negosyo, kung paano sila naging successful sa buhay nila,” sabi ni Kuya E tungkol sa Ryts.
Dagdag niya, ”Ang format namin, masasabi ko natural kasi, hindi siya scripted. To be honest with you, wala kaming script na sinusunod dahil ang sabi ko sa aming director, sa aming mga writers, gusto ko, kung ano ang talking point namin, sa artista talaga manggagaling.”
Hindi ba siya nahihirapang kumuha ng guest sa kanyang show dahil sa network wars?
“Actually nagkaroon kami ng konting dilemma doon, pero we discover also na marami naman palang willing mag-guest especially ‘yung mga may napatunayan na.
“In fact, we have guests like Ms. Lani Misalucha, Ms, Dina Bonnevie, Sir Vhenee Saturno, Lloyd Samartino, and Ms. Vivian Velez.
“Actually habang ini-interview namin sila, ang dami naming na-discover. Ang dami palang pinagdaanan ng mga taong ito bago sila naging successful. And this time, they keep on doing good things para makapag-inspire sa mga tao.”
Sino pa ba ang gusto o pangarap niyang maging guest sa kanyang show?
“Pangarap ko, si Ogie Alcasid, tita Nova Villa, tita Gloria Romero, tito Eddie Garcia, Sir Gary Valenciano, marami pa po, ‘yung mga medyo masasabi natin na marami na pong nilakbay sa showbiz,” sagot ni Kuya E.
Si Michael Angelo ay may show sa GMA 7 News TV, na ang format ay parang sa Ryts. So siya ba ang counterpart ni Michael Angelo?
“Siguro po, pero hindi ko po siya personal na kilala. Nakikita ko lang siya ‘pag nadadaanan ko ‘yung kanyang talk show. Kaya lang ‘yung format ng show namin, hindi ko alam kung may pagkakahawig. Pero kahit ano pa yan, basta ang mahalaga, nakakapag-inspire tayo.”
So, handa na ba siya na maintriga kay Michael, na maikukumpara siya rito?
“Naku, huwag naman, hindi po ako sanay sa intriga. Pero kung nandiyan na, ang masasabi ko lang magpapakatotoo na lang tayo.”