May 24, 2025
Marlo Mortel dedicates song for sick mom
Latest Articles

Marlo Mortel dedicates song for sick mom

May 18, 2018

Sobrang busy sa kanyang career ang singer-actor na si Marlo Mortel.  

Kahit natapos na ang seryeng “Hanggang Saan” na gumanap siya bilang si Unyo, may regular show pa rin naman siya, ang “Umagang Kay Ganda” ng ABS-CBN 2.

At busy din siya sa mga provincial at corporate shows.

Kagagaling lang din nila ni Kristel Fulgar sa Singapore to promote Resorts World Sentosa.

Pagbalik niya ng Pinas, sabak agad siya sa trabaho.

Nung April 28, guest-performer siya sa Miss La Carlota 2018 (Bacolod) then, naging part siya ng event sa Ilocos with Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray last May 5.

Nung May 8, nag-guest siya sa Mutya Ng Bacnotan 2018 sa La Union.

Last Mother’s Day, May 13, nag-release siya ng isang kanta titled “I Pray” na siya mismo ang nag-compose, dedicated niya ito para sa kanyang mommy Merlie, diagnosed with breast cancer.

Sa lyrics ng kanta, in-express ni Marlo kung gaano niya kagusto na gumaling na ang ina, at gagawin niya ang lahat mangyari lang ito.

Sa parehong araw na ‘yun, rumaket si Marlo para sa 25th anniversary ng Orders of the Missionaries of the Holy Spirit sa Camp Aguinaldo QC.

This Saturday, nasa SM City Rosales Pangasinan siya for Sky Direct Jam.

O, di ba, hindi nawawalan ng trabaho si Marlo!

marlo

Bukod pa sa kanyang showbiz commitments, may pinagkakaabalahan ding bazaar si Marlo.

This coming May 25-27, nasa SMX siya para sa kanyang stall na ORNSTAL (luxury charm bracelets) at ang ilan sa mga branded na gamit niya, ay mabibili rin doon sa very affordable na halaga.

Samantala, sa May 27, ipagdiriwang ng Marlo’s World, ang grupo ng mga tagahanga ni Marlo, ang kanilang 5th anniversary, na gaganapin sa The Lounge, Tomas Morato, between 5pm-8pm.

Kahit hindi member ng grupo, ay pwedeng magpunta at makisaya, basta tagahanga at supporter ni Marlo.

Para sa karagdagang detalye para sa event ng Marlo’s World, please contact Ms. Acel Sanchez at 09165075333.

Leave a comment