May 24, 2025
Ara Mina holds fundraising event for children with down syndrome
Latest Articles

Ara Mina holds fundraising event for children with down syndrome

May 18, 2018

Ang Phillipine Arena ang napili ni Ara Mina para sa kaniyang fundraising event na tinawag niyang “tARA na sa ARenA.”

Isa itong fun run na ang layunin ay matulungan ang mga batang may down syndrome.

“Nagpapasalamat ako sa pamunuan ng Philippine Arena na kahit hindi ako member ng Iglesia ni Cristo ay pinagbigyan ako para ganapin ang aming event.”

Hindi na bago ang ginagawang ito ng aktres dahil noong 2006 ay nag-fund raising na siya sa pamamagitan ng isang concert sa Araneta Coleseum.

“Malapit ang puso ko sa mga batang may down syndrome dahil ang bunsong kapatid ko na si Batching ay ganito ang sitwasyon,” bahagi ni Ara.

fb_img_1526599800389

Maraming celebrities ang inaasahang dadalo sa event na ito na inorganisa ng aktres.

Kabilang sa mga dadalo ang kaniyang kapatid na si Cristine Reyes, ang mag-asawag Dingdong at Jessa Avanzado, Jaycee Parker at Martin Nieverra.

Hindi lamang ang mga ito kundi marami pang mga artista at singer na makikiisa sa magandang layuning ito.

Isa lang si Ara sa mga artistang may mga ganitong proyekto na nakakatulong sa mga nangangailangan.

Sa katunayan, hindi lang mga batang may down syndrome ang matutulungan kahit ‘yung may mga ibang sakit ay tutulungan din ng aktres.

Ang “tARA na sa ARenA” ay gaganapin sa May 27.

Magsisimula sa 500 meters hanggang 10 kilometers ang puwedeng takbuhin ng mga sasali.

fb_img_1526599825293

Para sa mga intresado, puwedeng magregister online sa www.runrio.com o sa mga sumusunod na sites: Toby’s Sports, Hazelberry Cafe at sa Philippine Arena.

Leave a comment