
Jameson Blake now connected to Janella; Sofia Romualdez is a fan of KZ Tandingan
Mabilis ang pagsikat ng young star na si Jameson Blake. Ang lakas ng screen presence ng binata habang pinapanood namin ang trailer ng pelikulang “So Connected” ng Regal Entertainment. Ang guwapo talaga ng bagets.
Ang lakas-lakas ng kaniyang dating at ang nakatutuwa ay marami na siyang mga tagahanga na sumusuporta sa kaniyang mga proyekto sa tv at maging sa pelikula. Isa kami sa magsasabi na magiging malaking artista ang binatang ito sa mga darating na panahon.
Kasama niya sa pelikula ang kapansin-pansin ang kagandahan ngayon na si Janella Salvador. As in sobra talaga ang pagiging pretty ngayon ng dalaga. In good shape din siya at napakaaliwalas ng mukha. Okey na okey ang team-up nila sa pelikula ni Direk Jason Paul Laxamana. Sabi nga ng marami lalo na ang kanilang mga fans ay umaapaw ang kemestri ng dalawa.
Kuwentong soul mate ang pelikulang “So Connected” at naniniwala rito si Janella na posibleng mangyari ito na talagang may isang taong itinakda sa iyo.
“Ako, I believe in soulmate. It doesn’t necessarily have to be romantic naman. Sabihin ko sa inyo kapag nahanap ko na ang soul mate ko.”
Hindi inaamin ng dalaga kung si Elmo Magalona ba ang soul mate niya pero halata ang kilig niya kapag ang binata na ang pinag-uusapan.
Showing na ang Janella at Jameson movie na hindi lamang kilig ang ihahain sa publiko kundi may aral din na matututunan lalo na sa mga taong nagmahal at minamahal.
***********************************
Magaling palang kumanta si Sofia Romualdez, ang anak ng dating mayor na si Alfred Romualdez at Tacloban Mayor Cristina Gonzalez-Romualdez.
Sa launching ng kaniyang single titled “Thinkin’ Of U” mula sa Viva Records ay ipinamalas ng dalaga ang husay niya sa pagkanta. Nagmistulang concert ang event na ginanap kamakailan sa Manila Polo Club sa McKinley, Forbes Park, Makati City.
Very supportive ang parents ni Sofia sa kaniya lalo na ang kaniyang mommy Cristina.
“My mom always tells me to stay humble and work hard for my dreams. And to always give my best in everything that I do.”
Ang daddy naman niya niya na after ng near death experience ni Sofia sa Yolanda ay nangako ito na susuportahan ang gusto ng anak. Hindi pangarap ni Sofia na sumikat o mag artista basta mashare niya lang ang music niya kaya naman tuwang-tuwa siya sa suporta ng kaniyang mga magulang.
Idol pala ng dalaga sina Sarah Geronimo at KZ Tandingan. Sa dalawa, nagkaron na siya ng chance na makaharap si KZ.
“I was like starstruck talaga with ate KZ. She’s really my idol. She is super talented.”
Samantala, maaari nang i-download ang “Thinkin’ Of U” sa Spotify, Apple Music at iba pang digitan music stores. Ibinalita rin ni Sofia sa launching ng kanyang bagong kanta na in the works na rin ang kanyang full album under Viva Records.