May 22, 2025
John, inaming nagsusugal si Willie
Latest Articles

John, inaming nagsusugal si Willie

Jan 5, 2015

by Roldan Castro

ya6gfm24byhafg2yHindi natitinag ang friendship nina John Estrada, Willie Revillame at Randy Santiago. Kung may pagkakataon ay nagba-bonding ang tatlo. Dahil dito, kinuha namin ang reaksyon ni John sa napapabalitaang pagca-casino ni Willie.

“Kung nagka-casino siya, oo naman,” pag-amin niya sa Philippine Showbiz Republic (psr.ph).

“Pero alam mo si kapatid kong Willie. Kahit sabihan natin ‘yun ng dalawang daang beses, pag gusto nu’n… gagawin nu’n. Ako, hindi naman ako nagkulang na sabihan na ‘wag na ‘yan, marami kang pera, alagaan mo na lang. Isa lang naman ang sinabi niya sa akin, kapatid pera ko ito, in a nice way naman. Kung nalustay ko man ito,eh , akin naman ito. Hindi ko ninakaw ito. May point siya. Basta , hindi ako nagkulang sa kanya, mahal ko siya, ayaw kong mawala ‘yan dahil masakit ‘yan pero at the end of the day kailangan niyang magdesisyon. Siya mismo ang magsabi na ayaw ko na.

“Pero, hindi ibig sabihin na mahirap na siya . Mali naman ‘yun. Hindi naman siya naghihirap,” deklara ni John.willie-revillame3

May balik-tanong si John kung totoo ba ‘yung magkakaroon na ng show sa GMA 7 si Willie. Kahit siya ay nami-miss na rin niya ang show ni Wil dahil maraming natutulungan at gustong-gusto siya ng mga matatanda. Nu’ng nakaratay nga raw ang tatay niya, si Willie talaga ang nirequest na pumunta sa ospital.

Samantala, maganda ang pasok ng bagong taon kay John Estrada dahil ang pelikula nilang ‘Tragic Theater’ ay ang unang pelikulang tagalog na ipapalabas sa 2015 na may playdate na January 8.

Pangalawang pagsasama na nina Andi Eigenmann at John Estrada ang nasabing pelikula. Nagkasama sila noon sa seryeng “Agua Bendita” ng ABS-CBN 2 na kung saan ay gumanap siyang tatay. Ngayon naman ay gaganap siyang pari.

“Sabi nga ni Andi, teka , dati tatay kita tapos ngayon parang may love ano na tayo,” tumatawang kuwento pa ni John.

“Sabi ko, hindi naman ganoon ‘yun. Siyempre, trabaho lang ito. Siya ‘yung na-exorcist na parang nagkagusto sa pari,” dagdag pa niya.

May ilang factor ba ‘yung parang love interest ni Andi after maging tatay?

“Oo pero inisip ko na lang na wala eh, trabaho ito. Kung sundalo ka, panibagong giyera ito. Parang ganoon lang,” pakli pa ng magaling na aktor.

“Naiilang ako sa tinginan namin ni Andi. Pero small percentage lang ‘yung love angle sa movie. Aside from that, puro horror pa rin,” sambit pa niya na tumatawa.

Ito rin ang pelikulang sinu-shoot nila na nahulog si Andi sa harness.

“First time. Matagal-tagal na ako dito sa industriya… patid talaga, bumigay. 15 to 18 feet. Mataas. Kami ang magkaeksena. Alam mo ang reaksyon ko ..parang masa-shock ka pala. ‘Yun ang unang reaksyon ko. Hindi ka makasigaw.

Unang pumasok sa isip ko, bali ito. Kahit anong parte ng katawan meron talagang siguradong
bali. Sumigaw lang ako na ‘wag niyong hawakan, ‘wag niyong buhatin. So, bumaba ako, tumakbo ako,
kinausap ko lang siya, umiiyak siya. Sabi ko, relax lang, tumawag ng ambulansiya, tapos sabi ko kumusta ang likod mo, masakit ba? Sabi niya, oo. Dun nag-worry ako, akala ko sa spinal pero iniisip ko kung tumama siya sa hard mattress, gulay. Masuwerte pa rin siya, sobra,” kuwento pa niya.

Leave a comment

Leave a Reply