May 24, 2025
Janah Zaplan has ‘mixed emotions’ about first major concert
Latest Articles

Janah Zaplan has ‘mixed emotions’ about first major concert

Jun 17, 2018

Sa June 30, Saturday, gaganapin ang concert ni Janah Zaplan billed as “Janah Zaplan The Millennial Pop Princess Kaya Ko ‘To,” sa Music Museum at 8pm. 

Special guests niya ang boy band na Jeremiah at Upgrade at ang Hashtags member na si Bugoy Cariño.

Mula ito sa direksyon ni Alvin Ong at kanyang manager na si Jaysar Lorayna.

Anong feeling ni Janah na malapit na ang kanyang concert? May kaba ba siyang nararamdaman?

“I’m excited na po sa nalalapit na concert ko, and I’m nervous as well kasi po baka hindi ko mapuno (Music Museum).

“Pero sana po, marami ang manood at ma-entertain ko po sana sila. Pero I’m pretty sure, marami naman po ang willing to support and watch me,” sabi ni Janah.

Sa concert ay magkakaroon ng dance number sina Janah at Bugoy.

“Inaabangan ko na nga po ‘yung practices namin, kasi for sure, sobrang galing ni Bugoy.”

Si Janah mismo ang pumili kay Bugoy para mag-guest sa kanyang concert.

fb_img_1529192493709

“Kasi po ang galing niya (sumayaw) at gwapo pa, di ba?  Saka parehas po kaming mahilig sumayaw kaya sya ang pinili ko.”

Anong feeling na binansagan siyang The Millennial Pop Princess?

“Sieympre po, sobrang thankful po ako.”

Pero aware ba siya na nauna nang binansagan si Sarah Geronimo bilang Pop Princess?

“Opo, aware po ako.

“Kumbaga, parang sinusundan ko lang po ‘yung yapak niya, kasi po sobrang idol ko siya. Total performer po siya, eh. She can sing, she can dance and she can act as well.”

Dahil idol ni Janah si Sarah, kaya kakantahin niya ang isang kanta nito, ang Tala.

May showbiz crush ba siya?

“Si Enrigue Gil at saka si Joshua Garcia po. Kaya crush ko po si Enrique, kasi po pagdating sa sayawan, ‘yung swag po niya, dun po niya nakuha ‘yung atensiyon ko.  Si Joshua naman po kasi sobrang galing niyang umarte at marunong siyang makisama sa lahat.”

Ngayon ay Father’s Day. Paano niya ilalarawan ang kanyang Daddy Boyet biang isang ama?

“Si daddy po, lagi siyang nandiyan para sa akin, to support me sa lahat ng gusto kong gawin. Siya rin po ‘yung laging nagda-drive sa akin kahit saan ako magpunta. Kaya sobrang thankful po ako sa kanya. I love him.”

Leave a comment