
Kris, unang nakipagbati kay AiAi
by Mary Rose G. Antazo
What a good year to start 2015 for Queen of All Media Kris Aquino and Comedy Queen AiAi delas Alas dahil bago nagtapos ang taong 2014 ay nagkabati na ang mag- ‘friendship’. Naganap ang pagkakaayos ng dalawa sa tinaguriang Royal Wedding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong December 30, 2014 sa Immaculate Conception Cathedral, Cubao Quezon City.
Naging mainit ang mata ng mga usyusero’t usyusera dahil first time nga na magkakaharap sina Kris at AiAi at hindi naman nabigo ang mga malalapit sa kanila na matagal nang naghihintay sa pagbabati ng dalawa.
Nangyari ang ‘reconciliation’ sa labas ng simbahan habang nagkakaipun-ipon ang mga kasali sa wedding entourage at habang kausap ni AiAi na abay nina DongYan, ang kanyang idolo na si Gov. Vilma Santos-Recto na isa namang ninang sa kasalan.
Laking gulat ni AiAi nang lapitan siya ni Kris at agad nag-beso na sinuklian naman niya ng ngiti at pagyakap sa TV host at aktres na si Kris. Naging sincere naman sa isa’t isa at halatang na-miss nila ng sobra ang isa’t isa dahil mahigit isang taon din silang hindi nagpansinan. Maging si Gov. Vi ay naging masaya sa pagkakaayos ng dalawa. Nakunan din ng mga kamera ang pagbabati ng dalawa.
Matatandaang nag-ugat ang tampuhan ng dalawa nang hindi raw nakiramay si Kris nang mamatay ang biological mother ni AiAi noong December 2013. Mula noon ay nagkaroon na ng lamat ang pagkakaibigan ng dalawa.
Naging kapuna-puna rin ang iniabot na ‘peace offering’ ni Kris kay AiAi na naglalaman ng isang kuwintas na may pendant ni Papa Jesus at Mama Mary. Kilala ang komedyana bilang Marian devotee.
At dahil katatapos nga lang ng Christmas at New Year naman ay positibo ang naging reaksyon ni AiAi sa pakikipag-ayos sa kanya ng kaibigian. Gusto raw niyang simulan ang taon na at peace kaya tanggap niya ng buong puso ang ginawang effort ni Kris.
Ayon pa nga raw sa kaibigan niyang pari na si Father Erik Santos, ito raw ang second part ng buhay niya kaya kailangan niyang maging more compassion, more love, more happiness, at ‘yung mga ibang bagay ay puwede nang palampasin.
At dahil peace na nga sila, sey pa ni Kris sa isang interview, “Friendship forever na tayo ha!”
Advise nga raw ng mga sisters niya na makipag-ayos na siya, made peace at siya ang dapat unang mag-reach out.
‘Yun naman ang ginawa niya at dahil nga pareho silang Marian devotee, necklace na may scapular na Papa Jesus at Mama Mary ang ibinigay niya.
Pahayag pa ni Kris, “Kasi sabi ko, what binded us together even when we were working was pareho talaga kaming madasalin. So, parang ang sinulat ko lang doon is, ‘I pray that your heart is ready to forgive me and that we can be Frenships again.’ Yun lang.”
Dapat ay November pa raw niya gustong makipag-ayos kay AiAi dahil birthday nito pero baka nga hindi pa handa ang kaibigan kaya naisip at naglakas loob siya noong kasal nga ni Dingdong at Marian.
“So, I tried. Naglakas-loob ako. I was prepared naman kung hindi niya ako papansinin,” pag-amin pa ng TV host.
Naging sobrang ganda raw ng 2014 kay Kris at lahat ng kanyang dinasal ay natupad. Thankful siya sa lahat ng blessings at natupad ang wish niyang maging number 1 ang MMFF movie ni Vice Ganda at ng kanyang anak na si Bimby samantalang number 2 ang kanyang Feng Shui 2.
Pagkatapos ng bonggang kasalang DongYan ay agad lumipad sina Kris kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby, dalawang yaya, kaibigang sina Darla Sauler at direk Erick Salud para doon mag-celebrate ng New Year sa Japan.