
Tambalang Nash at Alexa, ka-level na ng KathNiel loveteam
by Roldan Castro
Hindi iniwanan nina Nash Aguas at Alexa Ilacad ang youth oriented show nila tuwing Linggo na “Luv U” ng ABS-CBN 2 kahit tumatamasa nasila ng tagumpay sa kanilang serye na ‘Bagito’.
Sa ‘Luv U’ nga naman nagsimula ang tandem nila at ayaw nilang masabihan na ingrato at walang utang na loob sa ABS-CBN comedy unit.
Hindi na maawat ang NLEX (Nash and Alexa) loveteam at aminado naman sila na crush nila ang isa’t isa. Nili-level na rin sila sa mga sikat na loveteam tulad ng Kathniel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), JaDine (James Reid at Nadine Lustre) at KimXi (Kim Chui at Xian Lim).
“Nakakatuwa po pero hindi po talaga namin ini-expect na ganu’n. Inexpect lang namin na magiging loveteam kami, na gagawa kami ng project pero sobrang nakakakaba and nakakatuwa na nalilinya kami sa kanila,” pahayag ni Nash .
Sabi naman ni Alexa, medyo nakakadagdag rin daw ng pressure, “Pero we always try naman our best na maging magaling sa mga ginagawa namin pero siyempre, minsan nako-compare or sinasabihan na “linya kayo diyan so dapat galingan n’yo rin” so, medyo nakakadagdag ng pressure pero ginagawa lang namin talaga ang lahat ng makakaya namin to make it look good.”
Nu’ng Pasko iPhone case raw ang regalo ni Alexa kay Nash at ang bagets actor naman ay dalawang pillow ang ibinigay sa katambal.