May 24, 2025
Kris Aquino keeps the friendship with Mayor Herbert Bautista
Latest Articles

Kris Aquino keeps the friendship with Mayor Herbert Bautista

Jun 21, 2018

Wala pang closure ang naging relasyon ng Queen Of All Media na si Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Nagbigay din siya ng hint kung bakit sila nagkahiwalay ng actor-politician.

“Kasi, when he was in Europe, with his children and the mother of his children, and I think in order to reassure me, he was texting at nangungumusta and keeping in touch and I felt, hindi naman talaga kailangan dahil time niya iyon with them, and then nangyari pa iyong lahat nang nangyaring mga political issues and I said, this should not be your battle.

“Stay away from me, ang layo pa nang pupuntahan mo sa politics, so an association with me now is not beneficial to you.

“This is coming from someone who knows the political realities in this country and that’s when I realized na I’ve already grown up.

“Nagkaroon ako ng realization kung ano ang makakabuti at hindi makakabuti sa kanya. At this point, huwag na muna siyang ma-identify with me because the last name I carry was divisive.

“For someone who might seek higher office and lead the nation, I don’t want to be a pabigat,” kuwento niya.

Gayunpaman, nanatili raw silang magkaibigan ni Herbert kahit hindi natuloy ang pagpapakasal nila noon.

Aminado rin siyang lumalabas sila on dates pero wala raw namang balikang nangyari.

“We did, but I thought, I was ok with that. But I was not ok with his reaction. Kasi, sinabi ko sa kanya, bakit uncomfortable na uncomfortable ka, kahit magkaibigan na lang tayo ngayon?

“Bakit uncomfortable ka na pinapansin tayo ng mga tao? So, may isyu ako about that. So, there’s a part of me na that feels that he’s not proud of me,” giit niya.

“We’re not enemies and he knows I will never be his enemy. He also knows na I will forever be grateful kasi when nobody was there and when everybody thought I would be nothing, he went out of his way to make sure, para makatayo ako.

“Tapos, kinailangang tanungin ko, ginawa mo ba iyon because you cared or ginawa mo ba iyon dahil feeling mo, may atraso ka sa akin. Sabi niya, all of the above,” dugtong niya.

Hirit pa niya, kuntento na raw siya kung hindi man sila magkatuluyan.

I think ngayon, nasabi ko roon, sabi ko, na I’m already in an okay place. Siya lang kasi iyong nakakapagparamdam pa sa akin na may mali sa akin.

“So, sabi ko, for me to not feel that, I have to not talk to him. Kasi, why will I continue to entertain that when it took me two years to get here, kung sa personal na may ganoon pa akong nararamdaman.

“Di ba nga, sinabi ko na, there are just some people na kailangan mong mahalin from a distance na lang, hindi na ako naniniwala sa somewhere down the road,” aniya.

Naniniwala rin siyang kung mahal mo ang isang tao ay nakahanda kang magsakripisyo para sa kanya.

“Hindi ko hihilingin ang anupaman. Kung mahal ang tao, hindi mo siya kailangang i-require nang ganoon,” makahulugan niyang pahayag.

Dagdag pa niya, nananatili raw ang respeto niya sa kanyang ex.

The only reason he totally has my respect is because siya nagawa niyang mag-sorry kay Bimby for hurting Bimb’s mom, without me present.

“Pinuntahan niya, kinausap niya at nag-sorry siya. Iyong mismong tatay ni Bimby, hindi niya nagawa iyon, pero si Mayor, nagawa niya iyon,” deklara niya.

Tungkol naman sa usapin ng kanyang puso, hindi raw nakikialam ang kanyang mga anak na si Bimby.

“Ang sa kanya, basta alagaan at mahalin ako, at ang importante sa kanya, for as long as, he doesn’t use us, Mama and he doesn’t get the hard earned money that you have, I’m okay,” pagtatapos niya.

received_10216111086760354

Balik-pelikula ang Queen of All Media sa “I Love You Hater” kung saan ginagampanan niya ang role ni Sasha Imperial, isang mabait na digital empress na magiging sentro ng kumpetensiya sa trabaho nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

received_10216111087640376

Kasama ang phenomenal love team ng Joshlia, tampok din sa pelikula sina Alora Sassam, Al Tantay, Mark Neumann at marami pang iba.

Mula sa produksyon ng Star Cinema at sa direksyon ni Giselle Andres, palabas na ang pelikula sa buong bansa simula sa Hulyo 11.

Leave a comment