May 24, 2025
Can Erwin Tulfo kiss a girl like Pres. Duterte?
Latest Articles

Can Erwin Tulfo kiss a girl like Pres. Duterte?

Jun 21, 2018

May bagong show sa PTV 4 si Erwin Tulfo titled “Ronda Patrol Alas Pilipinas.”

Co-anchors niya sina Lad Augustin at Loy Oropesa. May riding-in-tandem group sa show, na aalamin nila ang mga problema sa mga lugar na pupuntahan nila at kanilang ire-report kina Erwin, Lad at Loy, para bigyan ng solusyon.

Ang show ay produced ng mag-asawang Matte and Queenie Oreta. Mapapanood ito tuwing Sabado, 10:00am to 11:00am.

Sa presscon at launching ng “Ronda Patrol Alas Pilipinas,” ipinaliwanag ni Erwin ang concept ng kanilang show.

“The concept of this program is news magazine and at the same time, it’s public service.

“Public service, because ‘yung mga nakikita ng mga naka-motor na ‘yun, ‘yung mga nagmo-motor sa umaga, they can call in what they see.

“Problema man ‘yan sa kalsada, aksidente, problema sa baranggay nila, mga basura, mga hindi natatapos ng proyekto ng gobyerno, they will report that, from the field, to us, para malaman ng taong bayan at maaksyunan ng gobyerno o ng kinauukulan.

“No matter how big or small the problem is, itatawag po nila yan. We will have the authorities act on that,” sabi ni Erwin.

Dagdag niya, ”At the same time, part of the program din po is featured stories, mga business. I-introduce po natin, pag-uusapan din po natin ‘yan, lalo na po ‘yung products and services owned by the owners.

“Ang Ronda Patrol Alas Pilipinas, live po siya sa Radyo Pilipinas, live rin po siya sa Facebook.  Inter-active ho ito. Kung mayroon kayong feedback, you can message us, we will try to read your messages. Kung mayroon pong problema sa lugar ninyo, pwede ninyo hong sabihin ‘yan sa amin. At aming aaksyunan.”

Mag-roronda rin ba siya sa buong Pilipinas, kasama ang kanyang riding-in-tandem?

“Well, there will come a time po. Pero at this time, we will be receiving reports and at the same time ‘yung mga riders po natin, ‘pag may incidents reports sila, they can send to us ‘yung mga nakuha nilang video para maipakita natin sa TV at mapapanood po sa Facebook live ‘yung mga kuha ng mga riders po natin,” sagot ni Erwin.

Just in case na magroronda sa buong Pilipinas tapos may makasalubong na OFW na Filipina, is it possible na halikan rin siya ni Erwin gaya nang paghalik ni Pangulong Duterte sa isang OFW pero wala namang malice?

Natatawang sagot ni Erwin, “Wala naman hong masama. Actually, sanay na sanay po ako diyan kasi marami hong mga fans na gustong humalik, beso-beso. So, no problem po ako dun sa ganu’n. Walang malisya ho.”

Kahit pa sa lips halikan, wala pa ring malisya?

“Maski sa lips. Ha, ha, ha,” natatawang sagot ni Erwin.

Leave a comment