May 22, 2025
It’s a baby boy! Lord of Scents introduces seventh child, Baby Zeid
Latest Articles

It’s a baby boy! Lord of Scents introduces seventh child, Baby Zeid

Jul 1, 2018

Congratulations to Joel Cruz on his seventh child na isang healthy baby boy na s’yempre, tulad ng kanyang anim na mga anak na tatlong pares na kambal, ay ipinagbuntis din ng isang Russian girl at sa bansang Russia rin ipinanganak sa St. Petersburg nitong June 23 lang.

Ayon sa Aficionado Germany Perfume honcho, si Baby Zeid daw ay bunsong anak na n’ya. Does this mean, quota na si Joel o huli na nga ba ang pang pito n’yang supling?

received_1384358798374717

Ang unang kambal na mga anak ni Joel ay isang babae at lalaki, ang sumunod na pares ay parehong lalaki, habang ang third pair of twins ay babae at lalaki ulit.

Dahil hindi nasilayan ng negosyante ng personal ang kanyang bunsong anak sa ospital, maligaya s’yang napadalhan s’ya ng first photo ni Baby Zeid, habang kailangan n’ya munang lumipad sa Dubai.

Pero habang nasa Russia ay nakapamasyal saglit si Joel at nakapagpa-stem cell treatment pa ito sa hospital kung saan ipinanganak ang youngest baby boy n’ya.

Leave a comment