
Cake sa Royal Wedding nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, hinangaan hanggang sa ibang bansa
by Mary Rose G. Antazo
Hanggang ngayon ay mainit na pinag-uusapan pa rin sa showbiz world ang tinaguriang “Royal Wedding’ at ‘Wedding of the Year 2014’ nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Hindi pa rin maka-get over at parang may hangover pa rin ang lahat ng tao lalo na ang nagmamahal at mga fans ng dalawa sa napaka-bongga at grandiosong kasalan.
Mahirap na nga raw pantayan ang naganap dahil bukod sa masasabing ‘perfect pair’ ang tambalan dahil sa kagandahan at kaguwapuhan nila ay sadyang ‘pasabog’ ang mga nangyari sa DongYan wedding.
Successful ang buong wedding ceremony from church to reception dahil nangyari ang lahat ng gustong mangyari ng couple. Sobrang organize at hindi naging circus ang kasalan. Ilan sa mga detalye sa ‘Royal Wedding’ na ikinamangha ng mga fans ay ang napakagandang ayos ng Immaculate Conception Cathedral na sadyang ipina-airconditioned pa ni Dingdong ang buong simbahan at ito na bale ang naging regalo niya sa church. Napaka-sentimental sa aktor ng simbahang ito dahil dito siya bininyagan kaya hiniling niyang dito siya maikasal.
Super big-time din ang naging guests ng dalawa mula sa who’s who from politics, business and showbiz world kaya naman VIP ang turing sa lahat. Si Direk Mark Reyes ang naging in charge sa simbahan samantalang si Direk Rico Gutierrez naman ang sa reception. Ang Nice and Print photo ang in charge sa photos and video at bawat kaganapan ay uploaded naman agad sa social media gaya ng Facebook, Twitter, Instagram kaya updated ang lahat.
Almost 30 million ang dinig naming gastos sa ‘Wedding of the Year’, sa gown pa lamang ni Marian na gawa ng Dubai-based Pinoy designer na si Maxi Cinco ay 2 million na ang halaga. Dito lumutang ang pagiging elegante ni Marian at talaga namang napakaganda ng nasabing gown.
Mistulang nasa Hispanic era naman ang naging ayos ng MOA Arena kung saan nagana pang reception. Fil-Hispanic ang theme kaya animo ay Spanish royalty ang couple na sina Dingdong at Marian.
Giveaways sa mga bisita ang personalized D&M scented candle at aroma oil with reed diffusers.
Literal na naging standout ang napakalaking white cake from Goldilocks. 12 foot at 5-tier ang cake na may pasabog na 3D effect at Swarovski. Umabot daw sa isang buwan ang paggawa nito at nagkakahalaga raw ng 7 million. Maging sa ABC News na Good Morning America ay binanggit ang DongYan wedding cake bilang ‘world’s largest cake.’
Ang Mirror ng UK ay nagtanong if it is the world’s biggest wedding cake. Sinlaki raw kasi ito ng fully grown human kaya ang nasabing cake ‘could be the biggest ever to be made into a wedding.’
Again, to Mr. and Mrs. Marian and Dingdong Dantes, best wishes and congratulations from your www.psr.ph family!