
Alden Richards disagrees to bashers saying ‘VM’ is copycat
Sa bagong fantaserye ng GMA-7 na “Victor Magtanggol” na pinagbibidahan ni Alden Richards, ay hindi lang siya basta artista kundi part din siya ng creative team.
“Sobrang binigyan po ako ng pagkakataon ng GMA na maging part ng Creative Team. Ito po ‘yung kauna-unahan kong project na nagkaroon po ako ng say, sa lahat po ng aspeto, ‘yung pag-create po ng story, sa costume, sa lahat po. Kaya nagpapasalamat po ako sa GMA,” masayang balita ni Alden sa presscon ng Victor Magtanggol.
Dagdag niya, “Yung effort ko po para mapaganda ‘yung show, in my own creative way, ibubuhos ko po lahat dito sa show na ito.”
Ilang percent ‘yung input niya sa final costume niya?
“Parang nasa 60% po, eh,” sagot ng bida sa bagong serye ng Kapuso Network.
“Gumagawa po si Adrian ng concepts, ng mga hitsura ng costumes, tapos ginagawa po ng mensenaryo, sila po ‘yung tagagawa ng mga costumes namin. And then papasukat po sa akin. Siyempre po pag hindi maganda, papa-revise po sa akin, gagawa na naman ulit si Adrian ng panibago. And then ang final arrangement po na inayos namin was, pinagsasa-sama po namin ‘yung mga design form the first draft, hanggang sa eto na po ‘yung naging hitsura.”
Ang sabi ng bashers/haters ng Victor Magtanggol, copycat lang daw ito sa Marvel comics character na Thor. Ano ang reakasyon niya rito?
“Hindi po kami copycat kasi original concept po ito ng Pinoy. And ang Norse Mhytology po is a public domain. Siguro kung hindi po ako ‘yung gumaganap ng Victor Magtanggol, as a regular viewer, magkakaroon din po ako ng misconception na ganun. Pero ito po, kaya ipinapaliwanag po natin sa lahat na, public domain po ang Norse Mhythology. Anyone can create stories out of the mhythology kasi wala pong nagmamay-ari sa kanya.
“Nakasanayan lang po talaga siguro natin ‘yung mga napanood nating pelikula, na ‘yun ‘yung naging image nung Thor. So eto po talaga is really based on myth, and may pinanggalingan po siya,” paliwanag pa ng aktor.
Tungkol naman sa story ng Victor Magtanggol, ang sabi ni Alden, ”The story will revolve around, ‘yun nga po nag-OFW ako. It’s more of the family, more of Victor Magtanggol being super hero in a lot of life’s aspect, bilang kapatid, bilang bayaw, bilang anak, bilang kaibigan. So ‘yun na kasi ‘yung ginagawa ni Victor Magtanggol as a character. Super hero na siya sa ganung aspeto. Magugulat lang siya, na ‘yung pagiging super hero niya, magma-materialize ‘pag nakuha niya na ‘yung martilyo.”
Paano naman ‘yung mga preparation niya physically para sa role niya bilang isang super hero?
“Kailangang fit. Kasi medyo magpapakita na po tayo ng katawan dito. May mga nakunan na po kami.
“Parang nagbunga na po ‘yung months of pagwo-work-out ko and eating right. Ngayon, ‘yung working out ko, parte na siya ng buhay ko. Ganun katindi ‘yung nagawa sa akin ng Victor Magtanggol.”
Hindi kasama sa “Victor Magtanggol” ang ka-loveteam ni Alden na si Maine Mendoza. Sa pagtanggap ni Alden ng proyekto without Maine, ay ikinagalit ‘yun ng ilang mga tagahanga nila ni Maine.
“Yun po, marami po talagang nag-react na Aldub fans, when they learned about I’m doing a soap na hindi po si Maine ‘yung ka-partner ko.
“Pero kasi naman po, ito naman pong buhay natin bilang artista, trabaho lang naman po ang lahat, wala pong personalan. Kumbaga, ginagawa ko po ito, para sa personal growth ko. And I’m sure si Maine po, may mga ginagawa rin for her personal growth.
“At lilinawin ko lang po, wala pa pong nagtatapos na Aldub, hindi pa po tapos ang Aldub, andiyan pa rin siya.
“Kasi marami na po ang nagsabi, parang ang Eat Bulaga po at GMA, pinaghihiwalay na kami. Parang kami po kasi, ang take po namin dun ni Maine, as long as nagkakaintindihan po kaming dalawa, sa mga ginagawa namin, okey po kami.
“Kahit nagti-taping po ako ng Victor Magtanggol, I see to it the next day, nakakapag-Eat Bulaga po ako. So makikita’t-makikita pa rin po kami ng mga tao together sa Eat Bulaga.
“Kumbaga, sa aspeto lang po ng teleserye at paggawa ng mga ibang proyekto, dun lang kami gagawa muna ng mga bagay na pang-sarili po muna namin. For personal growth na rin po.”
Ang “Victor Magtanggol” ay mula sa direksyon ni Dominic Zapata. Mapapanood na ito simula sa July 30 sa GMA Telebabad.