
Sam Milby clueless on ex’s sexual orientation
Naging usap-usapan noon ang naging hiwalayan ng Kapamilya hunk actor na si Sam Milby at ng model, TV host at blogger na si Marie Jasmine.
Ayon kay Sam, naka-move on na raw siya sa naging break-up nila at naging maayos daw naman ang kanilang paghihiwalay.
Inamin din niya na clueless siya sa sexual orientation ng kanyang naging dyowa.
“I didn’t expect, there was no sign. So, I was surprised noong nalaman ko,” aniya.
“But I don’t really want to say too much. I knew a while before pero noong kami, no signs, wala talaga. I didn’t know that she’s open to that kind of relationship so I had no idea,” dugtong niya.
Nilinaw din niya na hindi ang direktor na si Samantha Lee na karelasyon ngayon ng kanyang ex ang third party sa kanilang hiwalayan.
“It happened na wala na kami ni Mari,” pakli niya.
Ayaw din daw niyang tingnan na naisahan ang kanyang pagkalalake dahil sa ipinagpalit siya ng dating dyowa sa kabaro
nito.
“From my understanding, it’s her first time to experience relationship with a woman. But walang overlapping. There was no iyong siya iyung third party kaya kami nag-break, it’s not like that. We broke up and she started dating,” paliwanag niya.
Happy naman si Sam dahil may bagong teleserye siyang aabangan sa ABS-CBN.
Aminado rin kasi ang Fil-Am actor na na-miss niya ang paggawa ng teleserye.
Tsika pa niya, offbeat ang character niya sa “Halik,” ang sizzling Kapamilya teleserye na papalit sa primetime slot ng “Since I Found You” under Ruel S. Bayani.
“Iyong last teleserye ko na ginawa na “Doble Kara” good boy ako roon. I’m happy to be doing something offbeat and I’m really thankful to Direk Ruel (Bayani) at least in-offer niya sa akin iyong role. Noong in-offer niya iyong role na ito, he also realized na “Sam, nagsha-shine ka sa mga offbeat at gray roles. Sa first teleserye ko na “Maging Sino Ka Man,” mas offbeat siya at mas serious at iyong isa pa na “Huwag Ka Lang Mawawala” with Juday.
“Mas nag-e-enjoy sa mga roles na ganito. Nahihirapan lang akong intindihin iyong character ko na minsan, nasasabi ko na “Grabe, ganoon pala ang character ko,” but you can’t judge the character at the same time iyong trouble understanding it,” esplika niya.
Pagbubunyag pa ni Sam, ito raw ang pinaka-sexy role na nagawa kung saan may mga love scenes siya kina Yam Concepcion at Yen Santos,ang mga babaeng bida sa “Halik.”
“Actually, hindi na naman siya bago sa akin. I did a lot of shows and movies na may sexiness. Ito iyong pinaka-sexy role na ginawa ko bilang ako iyong pinakataksil pero mabait at mapagmahal na asawa. It’ s something different.Marami akong eksenang ganyan. It’s the sexiest role I’ve done,” pagwawakas niya.
Papel ni Abel, isang mayamang lalake na may lihim na sikreto ang role ni Sam sa “Halik.”
Tampok din sa teleserye sina Jericho Rosales, Yen Santos at Yam Concepcion.
Kukumpleto sa palabang cast ng “Halik” ang ilan sa pinakamagaling na beterano at baguhang artista sa bansa kabilang sina Amy Austria, Alan Paule, Precious Lara Quigaman, Romnick Sarmenta, Cris Villanueva, Almira Muhlach, Christian Bables, Hero Angeles, Chai Fonacier, JC Alcantara, Jane De Leon, at Gab Lagman.
Sina Cathy Camarillo at Carlo Po Artillaga ang mga direktor ng programa, na nasa ilalim ng business unit na pinamamahalaan ni Ruel Bayani.
Mapapanood na ang nasabing sizzling drama sa Kapamilya primetime pagkatapos ng “Bagani” simula sa Hulyo 30.