
‘Kusina Kings’ star Nathalie Hart confirms she’s pregnant
After being nominated for the Famas Best Actress at sa URIAN awards bilang Best Supporting Actress sa pelikulang “Historiographika Errata,” at naging tampok sa kontrobersiyal na pelikulang “Sin Island,” sasabak naman sa comedy ang aktres na si Nathalie Hart sa movie ng Star Cinema na “Kusina Kings,” na palabas na ngayon sa mga sinehan.
Leading lady siya ni Zanjoe Marudo sa pelikula at younger sister ni Empoy Marquez.
Kumusta naman ang pakikipagtrabaho niya sa mga ito?
“It was a privilege, I really enjoyed working with them because there were times that I could not stop laughing, it was a fun set,” confesses Nathalie.
She adds, “Sanay na kasi ako working with the boys because I am surrounded by my three brothers myself kaya sanay na ako sa humor ng mga lalake.”
Pinatunayan muli ni Nathalie ang husay niya sa pag-arte na mula sa pagiging dramatic star ay kaya rin niyang magpatawa.
“I am thankful to our “Kusina Kings” director Victor Villanueva for allowing the cast to contribute sa kabaliwan ng pelikula,” says Nathalie.
Bukod sa Kusina Kings, abala rin siya sa kaniyang mga film and tv projects gaya ng teleseryeng “The Blood Sisters” ng Kapamilya Network.
Patapos na rin ang shooting niya ng pelikula under Viva Films na “The Bitch Wedding (Abay Babes)” with Christine Reyes.
Samantala, umamin na ang sexy actress na siya ay four months preggy sa kaniyang Indian boyfriend nang makatsikahan namin.
Sa showbiz, ang manager niyang si Leo Dominguez ang una niyang sinabihan sa bagay na ito.
Nakakapanghinayang kung tutuusin dahil papaganda nang papaganda ang kaniyang karera pero mas binigyang importansiya ng aktres ang pagdadalang tao niya.
Sa pakikipagkuwentuhan pa namin sa kaniya ay nagsabi na rin siya ng ilang detalye sa kaniyang kasal.
Dalawang beses ang magiging wedding aniya. Isa sa Australia at isa sa India.
Kahit magkakapamilya na si Nathalie ay hindi pa rin niya tatalikuran ang showbiz.
In fact, siyam na pelikula pa ang nakatakda niyang gawin pagkapanganak niya.