May 24, 2025
After recognition from New York IFF, Mike Magat excited to finish new film
Latest Articles Rodelistic

After recognition from New York IFF, Mike Magat excited to finish new film

Jul 30, 2018

Matagal mang nabakante at hindi naging aktibo sa showbiz si Mike Magat pero ngayon ay umaariba naman ang kaniyang career.

Bukod sa kabi-kabila ang kaniyang tv at movie projects, nagkakaroon pa siya ng oras sa pagdidirek ng pelikula.

Isa nga sa mga proyektong nagawa niya as filmmaker ay ang “Sikreto sa Dilim” na pinarangalan sa New York International Film Festival.

Sobrang happy nga dito ang aktor dahil napansin ang kaniyang pelikula sa naturang film festival.

Dahil dito, lalong na-inspire si Mike na gumawa pa ng mga pelikula. Sa ngayon nga ay tinatapos niya ang pelikulang “Turista” katulong ang kaniyang anak na si Miguel Antonio Magat.

Nakatutuwa nga na magkatuwang ang mag-ama sa paggawa ng pelikula na may pang-International film editing concept at creative directing.

Napanood naman ang teaser ng “Turista” at namangha kami sa itsura nito. Pang-international talaga ang dating at dimo aakalaing Pinoy ang may gawa.

Excited nga si Mike sa pelikula at wish niya na matapos na ito para makita hindi lamang ng mga kapwa niya Pinoy maging ng mga taga ibang bansa.

received_10213952409898950

At kahit abala siya sa bagong larangang pinasok, hindi pa rin niya nakakalimutan ang pag-arte dahil napaka-visible nya ngayon sa telebisyon.

Sunud-sunod ang mga ginagawa niyang teleserye sa Kapuso Network. Napapanood siya araw-araw sa “Contessa” na pinagbibidahan ni Glaiza de Castro.

Bukambibig ang papel niya bilang Berto sa afternoon show bilang right hand ni Tetchie Agbayani.

Isa pa, may mga produkto rin siyang iniindorso na talaga namang pinagkakatiwalaan siya.

Kasi naman, marunong siyang makisama at hindi siya mahirap katrabaho.

Sa mga tagumpay na ito ng actor-director ay isa lang ang sikreto niya at ito ay ang kaniyang pananampalataya at paglilingkod sa Diyos.

Bilang miyembro ng Iglesia Ni Cristo ay hindi siya nakakalimot sa tungkulin at obligasyon niya sa church kaya naman siya ay pinagpapala.

Leave a comment