May 24, 2025
How Christian Bables pulls off “sabong” scene?
Latest Articles

How Christian Bables pulls off “sabong” scene?

Aug 3, 2018

Walang ideya ang magaling at premyadong director na si Chito S. Roño na papasok ang kanyang pelikulang “Signal Rock” na iprinudyus ng kanyang CSR Productions sa ikalawang edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino bilang opisyal na kalahok.

“Dati ipinasok ko ito sa MMFF pero hindi kami pumasa sa scriptwriting sa umpisa. So, nagtaka ako kasi alam ko ang ganda-ganda ng iskrip namin,” pakli niya.

Gayunpaman, blessing in disguise na rin dahil during that time, hindi pa sila nagsisimula ng shoot ng nasabing pelikula sa kanyang hometown sa Biri, Samar.

“At the time, hindi pa kami nagsho-shoot. At the time also, parang wala sa timing. During that time also, amihan pa at malalaki iyong mga alon so nakakatakot na itawid iyong mga artista. So, tinayming ko siya na tapos na ang amihan mga February,” kuwento niya.

Passion project daw para kay Direk Chito ang “Signal Rock” dahil bilang katutubo ng nabanggit na lugar, gusto niyang ipakita ang angking ganda ng Biri.

“This is the only place na pini-feature ko because of its unique nature. Iyong place kasi mismo ay may character. Iyong town mismo is typical, generic town. Malinis, hindi magulo, very clean. Disenteng town. Hindi lang siya iyong anu-ano lang,” paliwanag niya.

fb_img_1533253921589

Ang “Signal Rock” ay tumatalakay sa kuwento ni Intoy (Christian Bables), isang probinsyano mula sa isang mahirap na pamilya na nangangalaga sa kanyang magulang habang naghihintay ng perang padala sa kanyang kapatid na babaeng OFW para maitawid ang pang-araw-araw nilang pangangailangan.

Isang malaking hamon kay Intoy ang makausap ang kanyang kapatid dahil sa kawalan ng signal ng komunikasyon o signal ng cellphone sa kanilang lugar.

Tulad ng kanyang bayang sinilangan, problema rin ang kawalan ng signal ng cellphone sa kanilang lugar, ayon kay Direk.

“Akala ko iyong kay Duterte, iyong 3rd telco. Kumplikado pala siya. Kasi hindi ko alam iyong communication nila. But hanggang ngayon, okey-okey na sana siya kaya lang noong bumagyo lumipad iyong satellite feed o iyong plaka sa cell site, so hindi na naibalik ang signal nang matino. Sa ngayon, mahirap na naman ang signal,” aniya.

Hindi rin daw political movie ang “Signal Rock.”

“Iyong story kasi ‘90s iyong nangyari ito. I hope they take into consideration that this is a period material. Hindi ko ginawang ‘90s na ‘90s pero hindi siya iyong ngayon. Pati nga iyong mga telepono rito hindi pa smartphone , analog pa siya,” bida niya.

“Actually, hindi siya ganoon katindi as a political story although political siya dahil makikita mo lang pag na-unite iyong mga tao,” pahabol niya.

received_10157129302810961

Kilala si Direk Chito sa paggawa ng mga mainstream movies na horror, drama, adventure at comedy tulad ng “The Ghost Bride,” “Fengshui,” “Etiquette for Mistresses,” “Spirit Warriors” at “Bulong” pero paminsan-minsan gusto rin niyang gumawa ng mga passion projects tulad ng “Signal Rock.”

“Hindi sa hinahanap ko iyong food for the soul. You need something you could be proud of para sa sarili mo. You want to tell a story without the usual tampalan, bloodbath, barilan o kaya ay may mamamatay o mabubuhay ang kaluluwa. That’s okey, fan din ako ng Marvel. Once in a while lang, you get into a situation sa mga pelikulang totoo naman na parang nakakataba ng puso kapag pinapanood mo,” esplika niya.

Pagtatapat pa ni Direk, taliwas sa mga nabalita tungkol sa kanyang lead actor, hindi raw siya binigyan ng sakit ng ulo nito dahil propesyunal daw ito.

“Actually, hindi ko pinanood iyong pelikula niyang “Born Beautiful.” Nag-audition siya at sabi nila sa akin, magaling siya,” tsika niya.

Never din daw niyang nakitaan ng attitude problem ang binata.

“Alam mo naman ang ugali ko, pinauwi ko na sana siya,” hirit niya.

Ibinahagi rin niya ang kakatwang natuklasan niya sa aktor.

“Mabait naman si Christian. Ang nakakatawa lang…takot pala siya sa manok. Eh, may eksena sa sabong na hindi niya mahawakan ang manok. Uminit ang ulo ko. Sinabi niya talaga sa akin na may trauma pala siya. Naintindihan ko naman. Siyempre naman, lahat kasi ng kilala ko sa Biri, magsasabong so never mong maiisip na meron palang takot sa manok,” ani Direk Chito.

received_10216465685625104

Tampok din sa “Signal Rock” sina Elora Españo, Mara Lopez, Francis Magundayao, Daria Ramirez, Arnold Reyes, Nanding Josef, Archie Adamos, Sue Prado, JayR Versales, Keanna Reeves, Julia Chua, Kokoy De Santos, Jomari Angeles, Ruby Ruiz, Mon Confiado, Ces Quesada, Lee O’Brian, Dido Dela Paz at marami pang iba.

Ang “Signal Rock” ay palabas na simula sa Agosto 15 bilang bahagi ng PIsta ng Pelikulang Pilipino.

Leave a comment