
Is Winwyn Marquez engaged to Mark Herras?; Liza Diño full support to Pinoy films
Bukod kay David Licauco na talaga namang may potential at malayo ang mararating ng karera ay isa rin si Wynwyn Marquez sa mga alaga ng kaibigang Arnold Vegafria ang puwedeng umariba uli ang career.
Inumpisahan na nga niya noong nanalo siya bilang Reina Hispanoamericana na first time sa isang Pilipina na manalo sa naturang beauty pageant.
Sa ngayon abala si Wynwyn sa kaniyang mga tv at film project. Nasa promo period ngayon ang kaniyang pelikula with Vhong Navarro na “Unli Life” na isa sa mga entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018.
Malaki ngang maituturing ang naitulong sa kaniya ng pagkapanalo niya sa isang
international beauty contest bukod pa siyempre sa pangangalaga sa kaniya ng kaniyang manager.
Sabi-sabi’y kulang na kulang daw ang oras niya sa kaniyang lovelife kahit may tsismis na engaged na raw siya sa kaniyang boyfriend na si Mark Herras. Totoo man ito o hindi, ang importante bongga ang career ngayon ng dalaga at siguradong napag-uusapan na rin nila ni Mark ang mga bagay-bagay bilang magkasintahan.
Anyway, going back sa pelikulang Unli Life, palabas na ito sa August 15 sa mga sinehan nationwide.
Bukod kina Vhong Navarro at Winwyn Marquez, kasama rin sa pelikula sina Joey Marquez, Ejay Falcon, Donna Cariaga, Jon Lucas, Isabelle de Leon, Alex Calleja, Kamille Filoteo, Red Ollero, James Caraan, Anthony Andres, at Jun Urbano.
May Special participation sa pelikula sina Dimples Romana, Joem Bascon, Jun Sabayton, Epi Quizon at Jhong Hilario.
***************
Nasa ikalawang taon palang ang Pista ng Pelikulang Pilipino ay marami na ang nagkakainteres at nagiging bukambibig na rin siya. Last year ay 12 films ang entries pero ngayon ay ginawang walo na lamang.
Ito ang naging desisyon ng Film Development Council of The Philippines sa pangunguna ng chairwoman na si Liza Diño-Seguerra. Aniya, hindi raw kakayaning manood ang Pinoy moviegoers ng 12 films sa loob lamang ng isang linggo.
Todo ang suporta ni Liza sa pelikulang pilipino. Nabanggit nya nga na marami pa syang plano.
Magsisimula ang PPP 2018 sa August 15 at magtatapos sa August 21. Mapapanood ang walong pelikula sa mga sinehan nationwide.
Narito ang mga pelikulang kalahok sa ikalawang edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino:
1. Madilim ang Gabi. Starring Gina Alajar, Felix Roco and Philip Salvador. Directed by Adolfo Alix Jr. Produced by Deus Lux Mea Films.
2. Pinay Beauty. Starring Chai Fonacier and Edgar Allan Guzman. Directed by Jay Abello. Mula naman sa Quantum Films at Epic Media.
3. Signal Rock. Starring Christian Bables, Francis Magundayao, Elora Espano, Arnold Reyes and Mon Confiado. Directed by Chito Roño under CSR Productions.
4. The Day After Valentine’s. Starring Bela Padilla and JC Santos. Directed by Jason Paul Laxamana. Gawa naman ito ng Viva Films.
5. Ang Babaeng Allergic sa Wi-Fi. Starring Sue Ramirez, Markus Peterson and Jameson Blake. Directed by Jun Robles Lana at The IdeaFirst Company Inc. naman ang nagprodyus.
6. Bakwit Boys. Starring Vance Larena, Niko Natividad, Devon Seron, Ryle Santiago and Mackie Empuerto. Directed by Jason Paul Laxamana under T-Rex Entertainment.
7. Unli Life. Starring Vhong Navarro, Joey Marquez, Winwyn Marquez and Ejay Falcon. Directed by Miko Livelo. Produced by Regal Entertainment Inc.
8. We Will Not Die Tonight. Starring Erich Gonzales and Alex Medina. Directed by Richard V. Somes at ang Strawdogs Studio Production naman ang producer ng pelikula.