May 22, 2025
Former child actor CJ Ramos arrested for drugs, brother Sherwin Ordonez reacts
Latest Articles This is it!

Former child actor CJ Ramos arrested for drugs, brother Sherwin Ordonez reacts

Aug 6, 2018

Nag-chat  kami sa dating aktor na si Sherwin Ordonez para kunin ang reaksyon niya sa pagkakahuli ng kapatid niyang si CJ Ramos, na dati ring nag-aartista, sa isang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Northern Police District (NPD) at Eastern Police District (EPD) sa isang convenience store sa Tandang Sora, Quezon City, Martes ng gabi, July 31. 

Ang reply niya sa amin, “Na-shock and nalungkot, sobra. Sobra kasing problemado and depressed ‘yun, kuya, eh.”

Nag-aalala raw siya sa kanilang ina.

“Yun nga, hindi niya masyadong kinaya, kaya alalang-alala ako sa kanya.”

For the record, nagsimula si CJ bilang isang child actor sa pamamagitan ng defunct youth-oriented show ng ABS-CBN 2 na “Ang TV” nung 90’s.

And since then, nagtuluy-tuloy na ang kanyang pag-aartista. Marami siyang nagawang serye sa Kapamilya network at pelikula mula sa Star Cinema.

(CJ Ramos’ photo from Radyo Inquirer)

•••••••••••••••••••••••••••

Guitly ang naging hatol ng Metropolitan Trial Court, Taguig kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, at Jed Fernandez sa kasong grave coercion na isinampa laban sa kanila ni Vhong Navarro nung 2014.

Photo from net
Photo from net

Ayon kay Vhong, sa isang interview niya, nakahinga na siya nang maluwag dahil nakamit niya na ang hustisya.

“Halos maglilimang taon na rin. Kumbaga, at least, nagkaroon tayo ng hinga. Kumbaga, nakita ng judge kung ano talaga ang sinasabi ko,” reaksyon ni Vhong.

Sa tanong kung nakapagpatawad na ba siya, ang sagot niya, willing naman daw siyang magpatawad kung ang tao raw ay pinagsisihan kung ano ang ginawa niya.

Kaso mahirap daw magpatawad kung ang tao ay hindi naman daw humihingi ng tawad sa kasalanang ginawa niya.

Na ang ibig sabihin ni Vhong ay hindi niya pa napapatawad ang tatlo dahil hindi naman ito humihingi ng tawad sa kanya.

Marami ang nagsasabi kay Vhong na mag-doble ingat pa rin siya ngayon, pero ayon sa kanya, ibinigay na raw niya ito lahat sa Diyos.

“Di ba, sinabi ko naman sa inyo, kung ano ang mangyayari, mangyayari. Kung baga, nakatakda. Kailangan mo lang gawin kung ano ‘yung ginagawa mo lahat. Kasi, kung mananatili ka sa takot, walang mangyayari sa atin.”

Leave a comment