May 22, 2025
Now a leading lady, “sobrang surreal” Winwyn shares
Latest Articles

Now a leading lady, “sobrang surreal” Winwyn shares

Aug 7, 2018

Dream come true para kay Winwyn Marquez ang makasama ang kanyang mga magulang na sina Joey Marquez at Alma Moreno sa isang proyekto.

“Naku, sana mangyari iyon. Pati ako hindi ko alam ang riot na mangyayari kapag natupad iyon,” bulalas niya.

Half-fulfilled na ang pangarap na iyon dahil kasama na niya ang kanyang dad sa pelikulang “UnliLife” na kalahok sa ikalawang edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

“Sobrang bilib ako sa kanya. Ang dali-dali lang para sa kanya ang magpatawa lalo na, kapag nag-aadlib siya. Ang galing-galing niya. Nagtatanong nga ako kung paano niya ginagawa iyon.

“Nagkukuwento naman siya sa akin paano gawin iyon. Sobrang fan girl ako sa sarili kong Tatay. It’s nice to see him work at may mga natututunan ka naman talaga sa kanya na sana magawa ay ko rin sa TV at sa film,” aniya.

Blessed din siya na makatambal ang ace comedian na si Vhong Navarro sa unang pagkakataon.

“Sobrang surreal na pakinggan na leading lady na ako. Hindi pa rin ako makapaniwala. Dati-kasi, pinanonood ko lang siyang sumayaw kasama ang Streetboys tapos ngayon leading man ko na siya. Doon na rin siguro magsi-sink when I see myself on screen,” deklara niya.

Aminado rin siyang noong una nailang siya sa unang salang niya sa comedy.

“At first, medyo nailang ako. Siyempre, nasanay ako sa drama kasi iyon ang pinagmulan ko. Pero ako naman, kung anuman ang ibigay sa akin, drama man o comedy, kung maganda, tatanggapin ko,” sey niya.

Ikinumpara rin niya ang istilo sa pagpapatawa ng kanyang mga co-stars na sina Vhong Navarro, leading man niya at Joey Marquez, ama niya.

“Pareho lang sila. Iba lang iyong karisma nila na hindi ko ma-explain. Different iyong charisma nila. Different iyong style nila ng pag-deliver ng punchlines,” ani Winwyn.

Tungkol naman sa unang attempt niyang mag-comedy, pasado raw naman ito sa Dad Joey niya.

“Natawa rin siya. Hindi lang siya sanay na makita akong nagko-comedy. Hindi siya sanay na nakikita iyong anak niyang nagko-comedy,” hirit niya.

Pinayuhan din daw siya nito sa tamang pag-atake sa comedy.

“Dapat natural lang siyang lumabas. Huwag kang maging trying hard. Basta na lang siya lumalabas. It’s nice na surrounded ako ng mga magagaling na komedyante, kaya naging comfortable na rin ako,” pahayag niya.

Tungkol sa time travel na may twist ang pelikulang “UnliLife.”

Kung bibigyan daw siya ng pagkakataong mai-transport sa isang time at place, gusto niyang puntahan ang dekada ’70.

“Siguro, gusto kong ma-transport sa ‘70s. Sobra kasing colorful ng mga outfit noon. Very interested ako sa fashion at era noong panahong iyon,” aniya.

Since uso ang mga unli promos, kung may isang bagay raw na unli na gusto niyang mapasakanya, ito ay hindi tungkol sa materyal na bagay.

“Unli-love ang gusto ko kasi sa sobrang gulo na nang napapanood natin sa TV sa buong mundo, gusto ko namang mag-spread ng love sa lahat ng tao. Mag-spread ng unli love, peace and respect sa lahat ng tao,” pagtatapos niya.

Speaking of Winwyn, marami rin ang nakakapansin na nag-evolve na siya mula nang manalo siya bilang Miss Reina Hispanoamericana 2017.

Malaki rin ang kanyang naging improvement at nadagdagan ang kumpiyansa sa sarili.

“Siguro, I just appreciate what’s happening to me right now. Kasi before, artista na ako noon pero I don’t get much attention as now. Ibang-iba talaga at sobrang naa-appreciate ko siya ngayon. Sini-savor ko lahat at the same time I don’t change. My attitude does not change.

“I’m still the same just like before. I’m happy and satisfied with what I have. I am contented with what God has given me, whatever blessing that comes na siguro bonus na lang,” pagwawakas niya.

Mula sa produksyon ng Regal Entertainment at sa direksyon ni Miko Livelo (Blue Bustamante), tampok din sa UnliLife sina Ejay Falcon, Donna Cariaga, Jon Lucas, Isabelle de Leon, Alex Calleja, Kamille Filoteo, Red Ollero with James Caraan, Anthony Andres, at Jun Urbano.

May special participation din sina Dimples Romana, Joem Bascon, Jun Sabayton, Epi Quizon at Jhong Hilario.

received_10216473920190963

Ang “UnliLife” na hitik sa unli saya ay mapapanood na sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa mula Agosto 15 hanggang 21 bilang bahagi ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Leave a comment