
Noted actress Boots Anson-Roa gets a tattoo
Excited ang magaling at premyadong aktres na si Boots Anson Roa dahil napaka-challenging ng role niya sa pelikulang “Ang Babaeng Allergic si WiFi” na kalahok sa ikalawang edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino.
“Ako iyong Lola ni Sue sa probinsya. Ako iyong magpapa-realize kay Sue that you could live without social media. You could live without computer or cellphone,” pagbabahagi niya.
Nakilala sa mga mababait at sweet roles, ikinu-consider niya na “a breath of fresh air” ang kanyang role sa nasabing movie.
“First time ko na gaganap na may tattoo. Iyong iba, baka manibago pero I really wanted to do ‘out of the box’ roles,” aniya.
Kahit produkto ng dekada ’70 at isa nang certified senior citizen, nakakasabay daw naman siya sa mga bagong tekholohiya sa ngayon.
Katunayan, lumabas siya noon bilang groovy at techie na lola sa “Lola Basyang.”
“I do facebook, cellphone and email. Iyong facebook ko, it’s really more for private use for my family and friends. Hindi ko siya ginagamit to promote myself. But if you’re out to promote yourself, if you’re in showbiz or if you’re in the public limelight, magaling iyon. Malaking tulong iyon,” sey niya.
Nagbigay din siya ng kanyang mga obserbasyon sa mga millennials noon at ngayon.
“Ang mga millennials ngayon, mas marunong kesa sa mga millennials noong panahon namin.They’re wiser, they’re smarter. Mas streetwise pati kasi sa exposure nila sa media especially sa social media, mas malawak ang kanilang kaalaman,” deklara niya.
Hindi rin daw naman siya nahirapan na mag-adjust sa pakikisalamuha at pakikipagtrabaho sa mga ito.
“Iyong young people that I’ve worked with , okey naman sila,” pakli niya.
Partly nag-agree naman siya sa obserbasyon na mas relaxed ang mga millennials ngayon.
“Puwedeng ganoon. It doesn’t mean naman na relaxed ka, hindi ka na committed. Hindi ka lang siguro usi,” aniya.
“Iyong commitment naman comes with age. Habang luimalaganap ang taon, nagkakaroon naman sila ng greater commitment. It will spring forth to a greater appreciation of what they have, of their work,” dugtong niya.
Ikinumpara rin niya ang paraan ng komunikasyon noon at ngayon.
“In our days, dahil walang social media noon, iyong personal communication, mas matindi. It’s easier now but it has become impersonal, but not necessarily insincere,” paliwanag niya.
Ayon pa sa Mowelfund executive director, kaya naman niyang mabuhay nang walang social media.
“We survived without social media noon, so kaya naman,” aniya.
Tsika pa niya, sa kanyang edad, kinikilig pa rin daw siya kapag nakakatanggap ng love letters o poems sa kanyang husband na si Atty. King Rodrigo, Jr.
“We make it a point to celebrate our monthsary. Four years na rin kami,” pagtatapos niya.
Mula sa produksyon ng IdeaFirst Company, Cignal Entertainment at sa direksyon ng multi-awarded screenwriter-director na si Jun Lana, tampok sa “Ang Babaeng Allergic sa WiFi” ang mga millennial babies na sina Sue Ramirez, Jameson Blake at Marcus Paterson.
Kasama rin sa cast din sina Yayo Aguila, Angellie Nicholle Sanoy, Adriana So, Lee O’brian, Kiko Matos at marami pang iba.
Bukod sa “Ang Babaeng Allergic sa WiFi,” ginagawa rin niya ang “Kaibigan” kung saan gumaganap siya bilang mother-in-law ng Hollywood actor na si Stephen Baldwin.