May 24, 2025
Actor-politician Daniel Fernando advocates drug-free Bulacan
Latest Articles

Actor-politician Daniel Fernando advocates drug-free Bulacan

Aug 12, 2018

May proyektong isinusulong ngayon si Bulacan Vice Governor Daniel Fernando.

Ito ay tinawag niyang “Bola Kontra Droga (Campus Tour, Bulacan Tour).”

Nu’ng Huwebes, ginanap ang presscon sa Bulacan State University, Malolos Bulacan. Bago ang presscon proper, pinagsalita si Vice Gov. Daniel. At dito ay ipinaliwanag niya ang layunin ng nasabing proyekto.

“Ito po ay isang basketball shoot-out with the celebrities, na bahagi ng ating anti-drug campaign, sa lalawigan ng Bulacan, na handog ng inyong lingkod at sa pakikipagtulungan ng ating pamahalaang panglalawigan sa pangunguna ng ating Punong Lalawigan Gobernandor  Wilhelmino Sy-Alvarado at sa tulong ng ating Congressman, kuya Jonathan Sy-Alvarado. And katuwang din po natin ang mga naglilingkod sa lalawigan ng Bulacan,” bahagi ni Vice Gov. Daniel.

Patuloy niya, “Ito po ay ating ambag sa hangarin ng ating pangulong si Rodrigo-Roa Duterte na bumuo ng isang bansang malaya sa droga, drug-free na Pilipinas.

“Kaya sisimulan na po natin sa pagtataguyod ng drug-free Bulacan. Basketball po ang napili namin sapagkat ito po ang malapit sa puso ng ating mga kabataan.

“Hinihikayat po natin ang bawat Bulakenyo na maglaro ng basketball at iba pang sports, upang hindi tayo madala sa tukso ng ipinagbabawal na gamot.

bola

“Bukod dito, marami pong magandang epekto ang paglalaro ng basketball at iba pang palakasan sa ating kalusugan. Isinama po natin sa kampanyang ito ang ating mga kapwa artista sapagkat alam natin na sila ang maimpluwensiya ngayon sa ating mga mamamayan.

“Ang mga artista po ang madalas na nagsisilbing modelo sa ating mga kabataan. Kaya ipinapakita po namin na kami rin ay nakikiisa sa adhikain na sugpuin ang droga sa ating lipunan.

“Nakakalungkot po na meron ding mga artista na nahuli na gumagamit ng bawal na gamot. At ang isa nga po recently lang ay si CJ Ramos.

“Kaya kabilang na sa ating pangarap na magkaroon din tayo ng drug-free showbiz, upang maging mabuting huwaran ang ating mga artista sa ating mga mamamayan, lalo na po sa ating mga kabataan.

“Ito po ay unang hakbang pa lamang sa ating tuluy-tuloy na kampanya. Hinihingi natin ang suporta ng bawat isa upang maging matagumpay ang ating layunin. Bola kontra droga, para sa isang drug-free Bulacan, drug-free showbiz.

“Ito po ang ating pangarap. Ito ang pangarap namin. Ito po ang aming pagsusumikapan sa tulong at biyaya ng ating Panginoong Hesukristo,” pagtatapos ng magaling na actor/politician.

 

Leave a comment