
Manalo o hindi, walang kaso sa akin–Perla Bautista
Bago pa man nagsimula ang Cinemalaya Awards night last Sunday ay nagtext na sa amin ang bida sa pelikulang “Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon” na si Perla Bautista.
“I am not feeling well. May ubo’t sipon ako. Naulanan kasi ako. Hirap na talaga ng matanda,” kwento ng veteran actress.
Bilib na bilib ako at ang mga nakapanood ng pelikula sa ipinakitang husay ni Tita Perla. Malakas din ang chance nyang manalong Best Actress sa Cinemalaya.
Ngunit kagabi, sa awards night, ay nasungkit ni Ai Ai delas Alas ang Best Actress para sa pelikulang “School Service.”
Ang mahalaga ay buong pusong nagampanan ni Tita Perla ang role nya sa “Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon” na sabi nya ay malapit sa kanyang buhay.
Malaki rin ang pasasalamat nya dahil nabigyan sya ulit ng chance na makapag-lead at na-nominate pa.
“Manalo o hindi, walang kaso sa akin. ‘Yung ma-nominate lang, malaking bagay na ‘yun.”
Limang awards ang nahakot ng pelikulang pinagbibidahan ni Tita Perla kabilang ang major award na Best Film. Nanalo rin ang pelikula ng Best Screenplay, Netpac Jury Award, Best Cinematography, at Best Production Design.
“Masaya ako dahil nga nanalo ang pelikula namin.
“Bilib talaga ako sa pagkagawa ng pelikula, ‘yung istorya,” share ng mahusay na actress.
Pagkatapos ng Cinemalaya, sana ay mas marami pang pelikula ang i-offer kay Tita Perla dahil isa syang mahusay na artista. Kagaya ng Best Actor sa Cinemalaya na si Tito Eddie Garcia, na maraming ginagawang pelikula at serye.
Narito ang full list of winners:
Netpac Citation: Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon
Best feature film: Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon
Best Director: Che Espiritu for Pan de Salawal
Best Actor: Eddie Garcia for ML
Best Actress: Ai Ai delas Alas for School Service
Best Supporting Actor: Ketchup Eusebio for Mamang
Best Supporting Actress: Therese Malvar for Distance and School Service
Audience choice: Kiko
Audience choice: Liway
Best Sound: Musmos Na Sumibol sa Gubat ng Digma
Best Original Music Score: Pan de Salawal
Best Editing: ML
Best Production Design: Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon
Best Cinematography: Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon
Best Screenplay: Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon
Special Jury Prize for Acting: Miel Espinosa, JM Salvado and Ken Ken Nuyad
Special Jury Award: Pan de Salawal
Special Jury Commendation: Liway