May 24, 2025
Mariel de Leon flaunts body for FHM, believes Catriona Gray can get Miss U title
Latest Articles Rodelistic

Mariel de Leon flaunts body for FHM, believes Catriona Gray can get Miss U title

Aug 14, 2018

Si Mariel de Leon ang kauna-unahang cover girl ng FHM Digital Magazine. Nakita na namin ang mga sexy photos niya at namangha kami sa ganda at alindog ng beauty queen-actress.

Perfect talaga siya hindi lang sa ganda ng mukha kundi umaapaw din ang sex appeal ng dalaga na puwedeng pagnasahan ng mga kalalakihan.

received_486191838533950

But of course, disente ang pictorial niya at hindi bastusin. She has a lot of poise and class. Kungsabagay, galing naman kasi sya sa disenteng pamilya. Ikaw ba naman ang maging anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

received_1799378476819983

Ngayon palang ay sigurado na magiging mabenta ang FHM sa online stores dahil fresh at kahali-halina ang cover girl sa katauhan nga ni Mariel.

Samantala, sa pakikipag-usap namin sa dalaga noong Huwebes ng tanghali sa Frazzled Cook restaurant ay isa sa mga hindi namin pinalampas na itanong sa kaniya ay kung totoo ba ang lumabas na isyu dati na hindi raw niya kilala ang Superstar na si Nora Aunor na dating asawa ng kaniyang tatay Christopher.

received_224430904908198

Aniya, hindi totoo ‘yun at kilalang-kilala niya si Nora. Ang totoo pala sa sinabi niya ay talagang hindi pa raw niya nami-meet ng personal ang dakilang aktres. At ito ang gusto niya ngayon. Looking forwad ang dalaga na ma-meet niya nang harapan si Ate Guy.

Bilang beauty queen naman, kinuha namin ang komento nya sa mga transgender na sumasali sa mga pambabaeng beauty contest partikular na sa darating na Miss Universe na ang kandidata ng Spain ay isang transgender.

received_1900662589992438

Sabi ni Mariel, wala raw siyang nakikitang masama sa bagay na iyun. Ang importante raw ay malinis ang intensiyon, babae man o transgender.

Speaking of Miss Universe, naniniwala si Mariel at malaki ang bilib niya kay Catriona Gray na siya ang magiging pang-apat na Miss Universe ng Pilipinas.

Malakas daw ang dating ni Catriona at positive siya na maiuwi niya ang korona para sa ating bansa.

Sa movie career naman ng dalaga,
dalawang pelikula na ang natapos niya. Ito ay indie film na Latay with Lovi Poe and Allen Dizon at ang digital horror na Barbara Reimagined kasama sina Nathalie Hart at JC de Vera.

Leave a comment