
Jairus Aquino calls non-showbiz girlfriend “petmalu”
Isa si Jairus Aquino sa pitong bida sa pelikulang “Petmalu” mula sa Red Nine Entertainment at sa direksyon ni Joven Tan.
“Basta iba siya, masaya siya kapag kasama niya ‘yung barkada niya. Abangan nyo na lang po kung bakit dapat abangan ‘yung character ni Lester. Actually, first time ko siyang ginawa,” ang bitin na sabi ni Jairus tungkol sa role niya.
Sabi ni direk Joven, mahusay daw sa pelikula si Jairus, na nadi-deliver daw ito (ng acting) nang higit pa sa inaasahan niya. At ang reaksyon ni Jairus tungkol dito?
“Siyempre, pantay-pantay naman kami. Siguro mayroon lang kaming iba’t ibang knowledge (sa acting). Pero siyempre, salamat kay direk dahil nakita niya ‘yun sa akin.
“Siguro dahil sa sinabi ni direk, mas lalo akong nagkaroon ng fire para mas pagbutihin ko pa ‘yung craft ko.”
And since “Petmalu” ang title ng kanilang pelikula, ano ang pinakamagandang petmalu na nangyari sa kanyang buhay?
Sagot ni Jairus, “Alam ko pong hindi pa malayo ‘yung nararating ko (sa showbiz). Wala pa ako sa kalingkingan ng ibang mga artista. Pero kung nasaan man po ako ngayon, ‘yun na siguro ang isa sa pinaka-petmalu na nangyari sa akin, at gusto ko pang maging petmalu pa sa mga susunod na panahon.”
Petmalu ba siyang anak?
“Opo naman. I would say na isa po akong petmalu na anak.”
Sino naman ang maituturing niyang petmalu sa kanyang buhay, ‘yung may magandang impluwensiya sa kanya, ‘yung nagsisilbing inspirasyon?
Sagot ni Jairus, “Siyempre ‘yung family ko po, ‘yung mga taong nagmamahal sa akin, at minamahal ko. Basta sila po, family ko, at ‘yung special someone ko.”
Ang tinutukoy ni Jairus na special someone niya ay non-showbiz. Pero ayaw niyang banggitin ang pangalan nito.
“Siguro puntahan ninyo na lang po ‘yung social media accounts ko. I-search nyo na lang po,” natatawang sabi ni Jairus.
“Pero one year na po kaming magkakilala pero six months pa lang po kami.”
Petmalu ba ang relasyon nila?
“Opo petmalu, sobra!”
Bukod kay Jairus, ang anim pang bida sa Petmalu ay sina Diego Loyzaga, Michelle Vito, Brian Gazmen, Marlo Mortel, Vitto Marquez at Charles Kieron.
Showing na ang pelikula sa September 5.