May 22, 2025
Jake Cuenca pulls off scenes with his crush Erich Gonzales
Latest Articles

Jake Cuenca pulls off scenes with his crush Erich Gonzales

Aug 17, 2018

Natutuwa si Jake Cuenca na tumatak sa publiko ang karakter niya bilang kontrabida sa seryeng “The Blood Sisters” na pinagbibidahan ni Erich Gonzales, na may tatlong katauhan.

“Sobrang thankful kasi sabi ko, nilagay lang nila ako sa gitna (ng serye). Thankful ako na binigay nila sa akin ‘yung responsibilidad na magdala bilang kontrabida para rito (The Blood Sister).

“Pero at the same time, thankful ako sa tao kasi ramdam na ramdam ko ‘yung impact, ‘yung pagpasok ko. Pero more than anything, I’m just thankful that I’ve got to work with Erich Gonzales,” sabi ni Jake nang makausap namin sa finale presscon ng Tha Blood Sisters.

Kaya nagpapasalamat si Jake na nakatrabaho si Erich, dahil crush niya ang dalaga.

“Naalala ko ‘yung farewell presscon ng “Ikaw Lang Ang Iibigin” (seryeng pinagbidahan nina Gerald Anderson at Kim Chiu na kasama siya), nandun si tita Cory (Vidanes). Papasimula pa  lang itong show na ‘to. Sabi ko sa kanya. “Ta Cors, ba’t di ninyo ako ipasok dun sa The Blood Sisters, kasi gustong-gusto kong makatrabaho talaga si Erich? Tapos ayun, binigay nila.

“So I’m just thankful to Dreamscape, nagpapasalamat ako sa ABS-CBN 2, and more than anything, maraming-maraming salamat sa fans, kasi parang pati sila naramdaman nila ‘yung impact ng character ko.

img_20180817_160617

“Ang hirap maging kontrabida pala, pag crush mo ‘yung tao,” natatawang sabi pa ni Jake.

“Sabi ko, kung mayron akong kontrabida role na nagawa, na naawa ako, kilala ninyo naman akong magkontrabida, wala akong awa, hindi ako nag-iisip ng simpatiya, o kahit ano. First time ako medyo, “Kailangan ko bang gawin ito? Sandali lang!” Alam ninyo ‘yung medyo may reluctancy?

“Pero professional naman tayong tao. I just had to keep telling myself, “You know, don’t judge the character, just do it.”

“Pero really, naging challenge yung alam kong ito yung eksenang kukunan na magiging masama ako rito sa babaeng crush ko, di ba?

“But at the end of the day. Maganda namang lumabas.”

Alam ba ni Erich na may crush siya rito?

“Nasabi ko naman,” sagot ni Jake.

May awkwardness ba after?

“Walan naman. Ang maganda sa set namin, lahat professional.”

Single ngayon si Jake, pero hindi niya magawang ligawan si Erich.

Katwiran niya, “Kasi until now, hindi ko alam kung single siya o hindi.

“Saka sa akin din naman, hindi ang set ang lugar ng ligawan. Lalo na kapag ang show, mabigat.  Hindi naman ito parang romcom na pwedeng magligawan.

“Kaya rin naman nagtitiwala sa akin ang ABS-CBN, kaya nila ako kinukuha, kasi sobrang professional akong magtrabaho. So eto yung mga bagay na, “Liligawan ko pa ba ito?  E, magiging Carrie mamaya, magiging Erika?  Ang pinakapuwede ko na lang ibigay sa kanya, ang maging responsible leading man na kontrabida.”

Huwag kalimutang panoorin ang pagtatapos ngayong gabi ng The Blood Sisters.

Leave a comment