
Dan Fernandez considers running for Congress again
Balik pelikula ang actor politician na si Dan Fernandez. Dahil ang huli niya ang “Honor Thy Father” na naging kontobersiyal noong MMFF 2015 kasama si John Lloyd Cruz.
“May mga offers sa akin after nung Honor Thy Father. Nandiyan ang pelikula at teleserye. Pero di talaga puwede,” pahayag ni Dan.
“Sa gabi lang talaga ako puwede mag-shooting at mag taping. After 5 pm. Ok na.
“Sa teleserye pag MWF ang taping. Kinabukasan dahil puyat. Wala ka nang magagawa. Hirap mag commit, mas maluwag sa movies. Kasi dito nga sa bagong movie ko na “Hawa” ay 7 days lang ako magsu-shoot. Makakapag work pa rin ako bilang mayor,” sey pa ng butihing Mayor.
Nabanggit din ni Dan na baka bumalik siya bilang congressman. At iwan na ang kanyang pagiging mayor.
Makakasama niya si Brandon Vera, Pen Medina, Irma Adlawan at marami pang iba. At abangan kung sino ang magiging leading lady ng movie.
Planong ilahok sa MMFF 2018 ang Hawa.
At positibo naman siya na mapapasali ito para sa 8 entries. Ito ay prodyus ng Reality Entertainment. At sa direksyon ng baguhang director sa pelikula dahil nga galing ito sa pagiging commercial director.