May 23, 2025
Is Paulo Avelino taking a break?
Latest Articles

Is Paulo Avelino taking a break?

Aug 31, 2018

People go through life feeling too tired. Sadyang may katapusan ang lahat; kung hindi man katapusan, panandaliang pagpapahinga para makabawi, mahanap ang sarili, gawin ang gustong gawin. Sa case ng GOYO lead star, where is he coming from?

One of the better actors of his generation ika nga ng kaibigan kong producer kay Paulo Avelino. Totoo, magaling talaga si Paulo mapa teleserye man o pelikula.

Pinagbibidahan ni Paulo ang pelikulang produced ng TBA Studios, kasama ang Globe Studios as co-producer. GOYO: Ang Batang Heneral ay ipapalabas sa September 5.

After nga ng Heneral Luna ay ito na ang GOYO. Kwento rin ng mga producer from TBA Studios, posibleng magkaroon ng third installment.

Sa GOYO ay matutunghayan ang husay ni Paulo bilang actor. Challenging ang role dahil he had to learn everything about history. Malaking tulong nga raw ang GOYO kay Paulo upang mas bigyan nyang halaga ang research at history.

“This type of film encouraged me to do research. It gave me more love and hope for the country. To spark something and ignite something.”

Ibinahagi rin ng GOYO actor ang kanyang mga nadiskubre kay Goyo. May golden tooth at marami syang babae. Sa totoong buhay, marami na rin syang babae?

He also tells that he auditioned for Heneral Luna. From that, napansin sya ng TBA bosses at ni direk Jerrold Tarog.

Idinirehe ni Jerrold ang pelikula na ipapalabas sa Sept. 5. Masaya sya sa pelikula at kay Paulo sa pagganap nya.

Sa sarili rin ng actor, na nag-cecelebrate ng kanyang sampung taon sa industriya, ay malaki ang naidulot ng pelikula. Mas naging responsable sya. At natutunan ang value ng pagkilala sa sarili.

“Tandaan mo kung sino ka.”

Gaan kakilala ni Paulo ang kanyang sarili? Alam nya kaya ang totoong gusto nya?

“It’s nice to be recognized by lot of people. Im so grateful. Gusto ko na magpahinga. Ang hirap na hindi mo nagagawa ‘yung mga gusto mong pelikula. Gusto ko gumawa ng film at my own pace. To help also the film industry.
What should be prioritized in life. Maiksi ang buhay.”

Leave a comment