May 24, 2025
Fifth Solomon discovers good thing about being brokenhearted
Latest Articles

Fifth Solomon discovers good thing about being brokenhearted

Sep 10, 2018

Si Fifth Solomon ang sumulat at nagidrek ng indie film na “Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka” mula sa Wilbros Films, na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga, katambal si Vin Abrenica.

Ito ang first directorial job ni Fifth. Na ayon sa kanya, ang istorya ng pelikula ay binase niya sa naranasan niyang pagiging broken-hearted at sa mga nakakausap niyang nasawi rin sa pag-ibig.

“Ayun, pinakamasarap kasing magsulat kapag nasasaktan ka, or emotional ka. So,sinulat ko ito nung time na nasaktan din ako, na iniwan din ako. Nung nakita niya (ex ni Fifth) ‘yung trailer ng pelikula, nag-message siya sa akin. Sabi niya,”Congrats” Sabi ko naman, “Congrats, malaya ka na!” ang natatawang kwento ni Fifth.

Patuloy niya,”Tapos, ‘yung mga friends ko na nasaktan din, akala nila hindi ako nakikinig, pero nagno-note ako kung ano ‘yung mga sinasabi nila, tapos iniipon ko ‘yun, ganun.”

Kamusta ang buong process ng pagdidirek ng pelikula? May pressure ba, since baguhan pa lang siya bilang isang direktor?

“Yung process, okey naman, nagka-vertigo na ako. Sumakit ‘yung ulo ko araw-araw. Nagpabili nga ako ng isang banig na biogesic,” birong sagot ni Fifth.

“Tapos, masaya siya. Nakakapagod, pero okey lang ‘yun pagod kasi mahal mo ‘yung ginagawa mo. Tapos pressured siyempre, kasi kailangang kumita ‘yung pelikula, para happy maging happy sila, pati tayo. Saka siyempre, galing ako sa Pinoy Big Brother, hanggang sa umaarte na ako, tapos siyempre, magugulat ‘yung mga tao, “Hala, nagdidirek na siya!”

“Pero hindi nila alam ‘yung mga preparation ko (sa pagdidirek). Nag-master naman ako ng film directing sa Australia. Pero hindi ko lang ‘yun natapos, kasi dinugo ako sa accent nila, Pero tatapusin ko yun.”

Tuluy-tuloy na ba ang pagdidirek niya ng pelikula?

“Gusto ko pa rin namang umarte sa harap ng kamera, pero siyempre mas magpo-focus na ako sa directing ngayon, sa pagsusulat, kasi mas malaki ang pera dito,” pahayag ng baguhang director.

Ang Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka, ay showing na sa September 19.

Kasama rin sa pelikula sina Rufa Mae  Quinto, Jhaiho, Joj and Jai Agpangan, Jerald Napoles, Candy Pangilinan, Ricci Chan at marami pang iba.

Leave a comment