
RS Francisco gives life to iconic character in ‘M Butterfly’
Simula sa September 13 ay mapapanood na sa Maybank Performing Arts Theatre sa Bonifacio Global City sa Taguig ang M Butterfly na pinangungunahan ng kilalang stage, film and tv actor na si RS FRANCISCO.
30 years na ang “M Butterfly” na isang Tony-winning play na isinulat ni David Henry Wang na balitang darating dito sa Pilipinas para manood ng naturang dula.
Sa Dulaang UP ang unang Manila production nito noong 1990 at ito ay nagbalik para gampanan muli ni RS at muling buhayin ang iconic role na si Song Liling.
Samantala, pitong larawan naman na kuha ng iba’t ibang master photographers na sina Jun de Leon, Raymund Isaac, Manny Librodo, Wig Tysmans, Patrick Uy, Mandy Navasero at BJ Pascual ang ini-reveal sa isang presscon kamakailan. Sari-sariling interpretasyon ng mga photographer sa karakter ni RS bilang Song Liling.
Dahil sa ganda ng mga larawan, may bidding na magaganap kasabay ng opening night na ang halaga ay magsisimula sa P50,000. Ang kikitain ay mapupunta sa mga napiling charities ng mga photographers. Bukod dito, ang lahat ng kikitain ng palabas ay mapupunta sa napakaraming foundation na tinutulungan ni RS Francisco.
Marami na nga ang nasasabik sa muling pagsasadula sa Maynila ng M Butterfly na prodyus ng Tony and Grammy awardee na si Jhett Tolentino at siyempre ng Frontrow Entertainment. Ito ay sa direksiyon ni Kanakan-Balintagos.
Sa katunayan, nagdagdag pa ng mga araw sa palabas dahil sa marami ang mga gustong makapanood.
Bukod kay RS Francisco, kasama rin sa play sina Olivier Borten, Lee O’Brian, Norman McLeod, Maya Encila at Pinky Amador.
Natito ang PLAYDATES ng M Butterfly:
Sept. 13 – Thursday – Gala Opening Night – 8 pm (By invitation only)
Sept. 14 – Friday – 8 pm
Sept. 15 – Saturday – 3 pm / 8 pm
Sept. 16 – Sunday – 3 pm / 8 pm
Sept. 18 – Tuesday – 8 pm
Sept. 19 – Wednesday – 8 pm
Sept. 20 – Thursday – 8 pm
Sept. 21 – Friday – 8 pm
Sept. 22 – Saturday – 3 pm / 8 pm
Sept. 23 – Sunday – 3 pm / 8 pm
Sept. 25 – Tuesday – 8 pm
Sept. 27 – Thursday – 8 pm
Sept. 28 – Friday – 8 pm
Sept. 29 – Saturday – 3 pm / 8 pm
Sept. 30 – Sunday – 3 pm / 8 pm
Para sa tickets, tumawag sa TicketWorld sa mga numerong 8919999, or visit www.ticketworld.com.ph. o kaya kay ISHA GERMENTIL sa 0917-6233834.