May 22, 2025
Vice Ganda disagrees to Tito Sotto’s proposal
Latest Articles This is it!

Vice Ganda disagrees to Tito Sotto’s proposal

Sep 24, 2018

May proposal si Senate President Tito Sotto na baguhin ang huling linya ng “Lupang Hinirang,” ang Pambansang Awit ng Pilipinas.

Gusto niyang palitan ang linyang “Ang mamatay ng dahil sa ‘yo” ng “Ang ipaglaban ang kalayaan mo.”

Sa mungkahing ito ng senador, marami ang kumontra. Isa na rito si Vice Ganda. Sabi niya sa kanyang Twitter account, “E kung palitan na lang ‘yung last line ng national anthem ng ‘Ang matraffic ng dahil sa’yo??!! Mas keri ba?”

Kaya siguro nasabi ‘yun ni Vice dahil lagi siyang nata-traffic at nali-late kapag may pupuntahan o appointment siya.

**********

Nung nakaharap namin kamakailan si  Yasmien Kurdi kamakailan, napansin namin na pumayat ang aktes, na ayon sa kanya, talaga raw nagpapayat siya para sa role niya sa katatapos lang na serye na pinagbidahan niya sa GMA 7 na Hindi Ko Kayang Iwan Ka, na tungkol sa HIV awareness.

fb_img_1537758584041

Sabi ni Yasmien, “Kasi ang nangyari sa “Hindi Ko Kayang Iwan Ka” parang kung si Thea (pangalan ng role niya sa serye), magkakasakit, kunwari ang script e wala naman tayong parang di ba sa Philippine teleserye, hindi naman siya ‘yung parang gagawin natin mga ahead siya ng a year, tapos naka-canned na siya, na pwede kang mag-prepare, na bigyan ninyo ako ng three months para mag-diet and all.

“So kailangan kong magtrim down, para kunwari the next week, may sakit si Thea, kailangang lubog ang mata mo rito, kailangang lubog ‘yung pisngi mo rito, ganun. So ang hirap, kasi magti-taping pa ako, tapos kailangan kong mag-diet.

“Nakakanginig kasi, like nagpupuyat ka, tapos kailangan mo ngang mag-diet. Minsan sasabihin nila, okey naka-recover na si Thea,wala na siyang sakit. So kailangan ko na naman pero ang pinakamadali ‘yung mag-recover, ang pinakamahirap ‘yung mag-loose (ng weight), siyempre, ganun.”

Leave a comment