May 22, 2025
John Rendez confirms big comeback
Latest Articles Rodelistic

John Rendez confirms big comeback

Sep 26, 2018

After 6 years ay nagbabalik recording ang magaling na hip hop at rap artist na si John Rendez.

Huling album na nagawa niya ay noong 2012 na “Metal Dog: There Can Only Be One” under PolyEast Records. Naging maganda ang resulta ng album niyang ito kung saan na-nominate ito bilang Rap Album at nanalo siya bilang Rap Arist of the Year sa Star Awards for Music noong 2013.

Isang kilalang record company ang magbibigay buhay muli sa recording career ng singer kung saan ginagawa na ngayon at masusing pinag-aaralan ang kaniyang magiging single. Kakaiba ito sa mga nagawa na dati na siguradong marami ang magugulat.

Excited si John dito dahil gustung-gusto niya talaga ang kumanta. Kung magiging maayos ang lahat, malamang ay ngayong taong ito mari-release ang kaniyang single.
Ngayon palang ay ramdam na ang kaniyang kasiyahan makakapag-record muli siya ng kanta.

Magiging busy ang susunod na taon sa magaling na singer dahil bukod sa pagpo-promote ng kaniyang single ay pinaplano rin ang pagbuo niya ng isang album. Magkakaroon din siya ng series of shows.

Pagdating talaga sa pagkanta ay mahusay si John. Isa sa mga kinilala sa kaniyang mga awitin ay ang “Everybody Sayaw,” na tunog foreign kung saan isa ito sa mga most requested na kanta sa mga radio station nang ito ay ini-release.

Leave a comment