
Derrick says new film is wilder than “Fifty Shades Of Grey”
Sumabak na sa pagpapaseksi ang Kapuso hunk actor na si Derrick Monasterio sa pelikulang “Wild and Free” ng Regal Entertainment na idinirek ni Connie Macatuno.
Ayon pa kay Derrick, ito raw ang pinakamalaking desisyon na nagawa niya sa entire career niya.
Dahil sa good looks at well-muscled physique, hindi naman kaila na pantasya ng mga kabadingan at mga kababaihan si Derrick.
Hirit pa ni Derrick, okey lang sa kanya na pagpantasyahan siya.
“Okey lang sa akin ang pinagpapantasyahan. Compliment siya dahil hindi ka naman pagpapantasyahan kung hindi ka kapanta-pantasya,” giit niya.
Hindi rin big deal sa kanya ang paghuhubad sa pelikula dahil parte lang daw ito ng pag-e-evolve niya bilang actor.
“It’s nice to do a role na very different from what I’m doing. It’s an opportunity for me to explore more as an actor,” aniya.
Aware rin naman siya na nasa punto na siya na papunta na siya sa mga mature roles at gra-graduate na sa mga patweetums.
Hindi rin niya ikinaila na bilang lalake ay may karanasan na siya pagdating sa pakikipagtalik sa babae tulad ng sinumang anak ni Adan.
Katunayan, plus factor ito para mai-guide raw niya si Sanya na aminadong no boyfriend since birth sa kanilang daring at sex scenes sa kontrobersyal na pelikula.
“Actually, masarap din na ikaw iyong nag-i-initiate. Ikaw iyong nagtuturo. Ikaw iyong aggressive. Ganoon naman ako in real life, gusto ko na ako ang aggressive para happy,” tsika niya.
Gayunpaman, nilinaw niya na hindi siya nag-take advantage kay Sanya considering na virgin pa ito.
“Actually, pinag-usapan naman ni Sanya at ni Direk iyong mga gagawin namin,” ani Derrick.
“Ang gusto ko kay Sanya, game siya at open siya kung paano namin mapapaganda iyong mga eksena at ako naman, alam ko iyong mga limitations ko kasi malaki ang respeto ko sa kanya,” dugtong niya.
Feeling din niya, mas intense pa sa “Fifty Shades of Grey” ang pinaggagawa nila ni Sanya sa pelikula.
“Wild talaga siya. Very graphic, kasi nakikita lahat. Probably more intense. Kasi iyong 50 Shades of Grey may pagka-brutal, pero hindi nila ipinakita iyong details, unlike in this one,” paglalarawan niya.
Paliwanag pa ni Derrick, okey din daw sa kanya kung malinya siya sa mga sexy roles pagkatapos ng “Wild and Free.”
“Okay lang kung magiging successful ang film. Kung magiging masaya sila sa outcome, sa acting ko, sa result,” deklara niya.
Papel ni Jake, isang Amboy na sobra ng fire pagdating sa pag-ibig ang role ni Derrick sa “Wild and Free.”
Ang “Wild and Free” ang unang team up nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez.
Ito rin ang biggest break nila kung saan ginagampanan nila ang pinakamapangahas nilang roles bilang lovers.
Mula sa direksyon ni Connie Macatuno, kasama rin sa cast sina Juancho Trivino at Ashley Ortega.
Palabas na ito sa lahat ng mga sinehan simula sa Oktubre 10.