
Ryan Tamondong describes album “purely made with love”
Kamakailan ay ginanap ang album launched and presscon ni Ryan Tamondong para sa kanyang self titled debut album mula sa Star Music.
Bago ang presscon proper, ay kinanta muna ng binata ang kanyang carrier single na “Haay Pag-ibig” composed by his manager Joel Mendoza.
In fairness, ang ganda ng song, at ng rendition dito ni Ryan. At humanga ang lahat ng invited press sa ganda ng kanyang boses.
Bukod sa “Haay Pag-ibi,” ang ilan pa sa cuts ng album ay ang tatlo pang sinulat ni Joel na “Ikaw Ang Panaginip,” “Ako’y Minamahal Mo Pa Rin” at “Since You Went Away” na katuwang si Vehnee Saturno, at ang revival song na “Sana Ay Ikaw Na Nga” na pinasikat noong 1994 ni Basil Valdez.
Tinanong namin si Ryan kung anong kanta among his songs ang nakaka-relate siya.
Sabi ni Ryan, “Eto pong “Haay Pag-ibig” kasi po nagkaroon na rin po ako ng ano, kasi siyempre bata, puppy love, special someone, kumbaga po. And nagkakaron din po kami ng awayan, nagkakatampuhan, selosan. Pero hindi ko pa madi-deny na at the end of the day, hindi po kami matutulog na hindi kami okey.”
Paano niya made-describe ang kanyang album?
“Ang masasabi ko po sa album ko, purely made with love. Kasi puro lovesongs nga po siya, and I’m so inspired nu’ng gawin ko ‘yung album,” sagot niya.
Bukod sa manager ni Ryan si Joel, ay ito rin ang naging vocal coach niya sa kanyang album. Kamusta naman bilang vocal coach si Joel?
“Very strict po siya, pero alam ko naman po na para rin sa akin, ‘yun, eh. Na-approve po ‘tong songs sa album ko, dahil po sa kanya.”
Si Ryan ang kauna-unahang Asian na sumali at nag-champion sa Euro Pop Berliner Perle grand prix na ginanap sa bansang Germany.
Bilang winner, siya rin ang tinanghal na International Achievement Awardee sa 29th Awit Awards.
Pakinggan at i-download na ang mga awitin ni Ryan sa digital stores.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang starmusic.ph, i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH.