May 23, 2025
Jojo Mendrez asks Nora Aunor to dance at Resorts World
Latest Articles Rodelistic

Jojo Mendrez asks Nora Aunor to dance at Resorts World

Oct 7, 2018

Succesful ang katatapos na concert ng tinaguriang Revival King na si Jojo Mendrez noong Biyernes ng gabi sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila.

Punung-puno ang venue kahit nagkaroon ng aberya dahil sa hindi agad nag-umpisa ang show na iniyakan at ikinalungkot ni Jojo.

Paulit-ulit siyang humingi ng pasensya. Maging sa facebook account ng singer ay hindi matapus-tapos ang paghingi niya ng paumanhin.

“Hiyang hiya po talaga ako sa lahat ng matagal naghintay. Pati ang mama ko hindi na rin kinayang maghintay. Sorry po sa lahat. Mula sa puso ko, maraming maraming maraming salamat po talaga sa inyong lahat! At sorry po sa lahat ng naghintay.”

Kahit may nangyaring hindi maganda ay labis ang kasiyahan ni Jojo dahil nga sa tagumpay ng kaniyang first major concert na ginawa niya para sa kawanggawa. Ang mga batang may kanser sa Child Haus Manila ang beneficiary ng event.

received_1866375046744038

Isa pa sa nagbigay sa kaniya ng kasiyahan ay ang nakasama niya sa stage ang kaniyang idolong si Nora Aunor. Aminado si Jojo bago siya kumanta ng awiting Handog na pinasikat ng Superstar ay sinabi niyang sinubaybayan niya ang karera at hinangaan ang talento ng aktres.

Isa sa most-applauded ang production number nila na nagsilbing tribute na rin kay Ate Guy sa pagdiriwang nito ng kaniyang ika-53 taon sa showbiz. Ang ganda-ganda ng mga picture ng aktres na nasa big screen habang sine-serenade siya ni Jojo. Palakpakan ang maraming tao na talagang inabangan ng mga manonood ang pagtatampo nila. Napasayaw pa ni Jojo si Nora sa finale number ng concert.

Bago pa ang concert ay nagkatampuhan sina Nora at Jojo pero nagkapatawaran naman at parehong humingi ng sorry sa isa’t-isa. Umiral muli ang kababaan ng loob ni Ate Guy dahil sa harap ng mga manonood ay humingi ng kapatawaran sa nangyari sa kanila ng Revival King. Hindi na namin idi-detalye kung ano ‘yun. Ang importante nagkaayos na Ang Superstar at Revival King.

Sa kabuuan ay naging maganda at maayos ang pagtatanghal. Hindi namin masasabing perpektong singer si Jojo pero ramdam namin ang pag-awit niya na may puso at sinseridad. Congratulations sa buong team lalo na sa mga producer na sina David at Vince ng Aqueous Entertainment.

Leave a comment