
Aga clueless about Luna nomination, amazed by Bea’s acting
Clueless si Aga Muhlach na nominated pala siya sa kategoryang best actor para sa kanyang epektibong pagganap bilang panganay na anak sa “Seven Sundays” ng Star Cinema sa nakaraang Luna awards.
“May pahabol pa pala ako. Actually, nagulat ako roon. I wanna see my trophy kasi hindi ko pa siya natatanggap,” bungad niya.
Hindi raw siya naka-attend ng awards night dahil hindi raw naman siya naabisuhan.
“I didn’t know. Hindi ko nga alam na nominated ako. Tinext lang ako nang gabing iyon na nanalo ako,” tsika niya.
“Pero, ang sarap lang ng pakiramdam. Kasi, I think, pang-apat ko na siya sa Seven Sundays. It’s almost seven or years of not working. Then, the last project I did was iyong Seven Sundays nga, tapos my First Love pa ako and then I’m getting all these awards and it’s nice to know na ganoon pa rin ang pagtanggap nila sa akin,” deklara niya.
Happy naman si Aga dahil muli na naman siyang mapapanood sa “First Love,” isang kakaibang love story na ang karamihang mga eksena ay kinunan pa sa Vancouver, Canada.
Pinaghandaan din daw niya ang nasabing pagbabalik niya sa romance-drama.
“I was able to prepare for this movie. I was kinda involved on the set when we’re doing it. I did a Greenland movie with Alex, so naka-warm up ako. Here, I almost lost about 40 lbs,” ani Aga.
Nakaka-relate rin daw siya sa titulo ng pelikula dahil tulad niya ay dumaan siya sa iba’t-ibang klase ng pag-ibig sa kanyang buhay.
“Marami tayong naririnig about first love. Every time we love naman, since I was 14, 15, 16 ,17, 18, minsan every month, iba-iba iyon. And then I wanted to share this. When I saw the hashtag of the movie. Live. Love. Now. That’s what I realize, that’s really first love. Everytime you love, it’s first love. Bagong tao, bagong pag-ibig. Live now. Love now. Not yesterday. It’s all about the moment. So when you love, love now. When you want life, live your life now,” deklara niya.
Sobrang napahanga rin daw siya sa galing ni Bea Alonzo na leading lady niya sa nabanggit na pelikula na idinirehe ni Paul Soriano.
Katunayan, naging interesado raw siyang panoorin ang mga pelikulang ginawa nito, bago pa sila nagsimula ng shoot ng kanilang first movie teamup.
Tampok din sa “First Love” sina Edward Barbers, Sandy Andolong at Albie Casino.
Mula sa Star Cinema, Viva Films at Ten17P Productions, palabas na ito sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula sa Oktubre 17.