May 22, 2025
Eddie Garcia, Pokwang take home acting awards at the 6th QCinema filmfest
Latest Articles

Eddie Garcia, Pokwang take home acting awards at the 6th QCinema filmfest

Oct 27, 2018

Panahon ngayon ng beteranong actor-director na si Eddie Garcia dahil pagkatapos niyang manalo bilang best actor sa Cinemalaya sa ML, muli na naman siyang humataw bilang best actor sa kanyang pagganap bilang isang lalakeng natagpuan sa purgatoryo ang babaeng kanyang iniwan sa pelikulang Hintayan ng Langit ni Dan Villegas.

Tinanghal namang best actress si Marietta Subong o Pokwang para sa Oda sa Wala.
Winner naman ng best supporting actress award si Cielo Aquino ng Billie and Emma samantalang ang tropeo para sa best supporting actor ay napunta Kay Marcus Adoro para sa pelikulang Dog Days.

Nag-uwi naman ng Circle Competition Netpac Jury award ang Dog Days samantalang tinanghal na Circle Competition Best picture ang pelikulang Oda sa Wala.

Tinanghal namang best director si Dwein Baltazar ng pelikulang Oda sa Wala.

Ang Oda sa Wala ni Dwein Baltazar ang wagi ng best screenplay.

Ang QCinema filmfest ay magtatapos sa Oktubre 30.

Ito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi.

Best Director : Dwein Baltazar (Oda sa Wala)
Best Actor: Eddie Garcia (Hintayan ng Langit)
Best Actress: Marietta Subong or Pokwang (Oda sa Wala)
Best Supporting Actress: CieloAquino (Billie and Emma)
Best Supporting Actor: Marcus Adoro (Dog Days)
Best Artistic Achievement Award: Neil Daza (Oda sa Wala)
Best Screenplay: Dwein Baltazar(Oda sa Wala)
Rainbow QC Jury Awardee: Hard Paint
Rainbow QC Best Film: Sorry Angel
Asian Next Wave Jury Prize: The Seen and Unseen
Asian Next Wave Best Picture: A Land Imagined
Audience Choice Award: Hintayan ng Langit
Gender Sensitivity Awardee: Billie and Emma
Circle Competition Netpac Jury Prize: Dog Days
Circle Competition Best Picture: Oda sa Wala

Leave a comment