May 22, 2025
Nash Aguas doesn’t pretend: Mas okay na magkaibigan kami
Latest Articles

Nash Aguas doesn’t pretend: Mas okay na magkaibigan kami

Oct 29, 2018

Puring-puri ni Nash Aguas ang co-star niyang si Sharlene San Pedro sa pelikulang “Class of 2018” dahil noong dumaranas daw siya ng pagsubok sa kanyang personal na buhay at karera ay hindi siya nito iniwan.

Naging shoulder to cry on daw niya ang aktres, lalo na noong panahong nagkaroon sila ng gap ng kanyang ka-love team na si Alexa Ilacad.

“Noong mabuwag ang NLex, alam niya, hindi niya ako iniwan,” sey niya.

“Kasi kami ni Sharlene hindi kami lagi nag-uusap niyan. Hindi kami nag-te-text pero noong time kasi na noong nangyari iyong nagkaka-problema kami ni Alexa, noong time na iyon, ang naalala ko alam ni Sharlene iyon. Tini-text ko si Sharlene. Bilang kaibigan, hindi niya ako iniwan,” dugtong niya.

Bilib din siya sa dedikasyon ni Sharlene bilang kaibigan.

“Kumbaga, magkaiba sila,” hirit niya.

“Si Sharlene iyong tipo ng kaibigan na kahit ang tagal niyo nang hindi nagkausap pero pag nagkita kayo ganoon pa rin siya,” pahabol niya.

Kaya naman, noong malaman niyang makakatrabaho niya sa nasabing proyekto ng TRex Entertainment, sobra raw siyang natuwa.

“Iba kasi iyong level of comfort kapag katrabaho mo siya. Mas nakaka-inspire siyang katrabaho,” paliwanag niya.

Kahit close kay Sharlene, never daw siyang nag-attempt na ligawan ito.

“Ayoko kasing masira iyong pagkakaibigan namin. Mas okey na magkaibigan kami kasi kilala na namin ang isa’t –isa,” aniya.

“Ayaw din naming magpanggap ni Sharlene na kami dahil unfair iyon sa mga tao. Eventually, malalaman ng mga tao at baka ma-disappoint pa sila,” pahabol niya.

Ang Class of 2018 na palabas na ngayong Nobyembre ay isang suspense thriller tungkol sa isang klase na kailangang i-quarantine pagkatapos na ang isang estudyante ay atakihin ng misteryosong virus na kailangang masugpo sa isang abandonadang gusali.

Bukod kay Sharlene, kasama rin sa cast sina Kristel Fulgar at CJ Navato.

Mula sa direksyon ni Charliebebs Gohetia (I Love You. Thank You, Bagyong Bheverlynn), tampok din ang mga TRex talents na sina Shiara Dizon, Lara Fortuna, Aga Arceo, Justin de Guzman, Carl Joseph at Deo Francisco.

Sa kanyang edad na 20, si Nash ay isa ring matagumpay na businessman dahil isa siya sa mga may-ari ng Japanese restaurant na Muramen na matatagpuan sa university belt sa Sampaloc, Manila.

Si Nash ay nagwagi ring Grand Kid Questor sa Star Circle Quest noong 2004 at nakapagbida na sa teleseryeng “Bagito.”

Leave a comment