
Beauty queen-maker Jonas Gaffud brings back art of modeling
GUMAWA ng ingay si Jonas Gaffud dahil halos lahat ng beauty queens under his Aces and Queens ay narerecognize sa international pageant scene. Malaki ang kanyang papel sa paghuhubog ng mga aspiring beauty queens.
Ngayon ay masaya nyang ibinalita ang kanyang bagong project na “GLAM,” isang modeling contest na naglalayong maibalik ang art ng modeling sa mundo ng social media at digital era.
“Gusto ko lang buhayin yung modeling scene, na meron pa rin na ganito. Kasi with the advent of social media, technology, everybody can be a model.”
Sya mismo ang bumuo at nag-conceptualize ng nasabing modeling contest. Ang GLAM o Global Asian Model ay open sa lahat ng babae at lalaki na maglalaban laban sa tatlo at dalawang titles.
Manhunt ang isa sa mga titles na paglalabanan ng mga makikisig na lalaki. Magko-compete sa Australia ngayong December ang mananalo sa Manhunt. Mayroon ding Best Model of the World. Ang mananalo naman sa Best Model of the World ay magko-compete sa Turkey ngayong December.
Tatangkaing sungkitin ang GLAM Philippines. Ang mananalo rito ay ipapadala rin sa ibang bansa para lumaban sa GLAM International.
Nilinaw nyang hindi beauty pageant ang GLAM. Ito ay modeling contest na magpapakilala sa galing ng lahing Asyano, kultura at talento. Dapat aniyang ipagmalaki ang mga model na galing sa ating bansa. 5’7 ang required height para sa babae (18-25) at 5’11 ang required height para sa lalaki (18-30).
Bonggang bongga ang matatanggap na premyo ng mga mananalo. 300K na modeling contract from Mercator and another contract from Empire.PH. At exciting cash prize!
For sure, mananalo ang deserving na nagtataglay ng Asian beauty. At for sure, magiging successful ang proyektong ito ni Jonas na isang tunay na influential!