
Preggy Marian craves for “Kamias”
Ayon kay Marian Rivera, mas hirap daw siya ngayon sa ipinagbubuntis niya na second baby nila ni Dingdong Dantes kumpara nung ipinagbubuntis pa lang niya ang panganay nila na si Zia.
“Iba ‘yung kay Zia, iba ‘yung ngayon. Siguro pag kinumpara ko, mas madali ‘yung kay Zia kesa ngayon. Hindi ko nga alam, eh. ‘Yung kay Zia, hindi ako malakas kumain, dito, sobrang lakas kong kumain,” sabi ni Marian nang makausap namin siya sa renewal of contract cum presscon niya para sa ini-endorso niyang Nailandia.
Patuloy niya, “Tapos ‘yung kay Zia, mahilig ako sa mga chocolates, sa mga candies, ngayon baligtad, gusto ko mga maaasim at maalat. Ang mga kinakain ko, kamias,mangga at saka maaalat. Weird nga, eh. Tapos, minsan, pag bumabyahe ako, ‘pag traffic, tapos parang ang gulo ng kalsada, nahihilo at nasusuka ako.”
Sa kamias naglilihi ngayon ang aktres.
“Yun ang unang-unang hinanap ko kay Dong, gusto ko ng kamias.”
Kahit sa gabi ba, naghahanap siya ng kamias?
“Hindi! Mabait akong magbuntis, eh. Pag araw lang, para hindi mahirap hanapin. Saka dun sa unahan ng bahay namin, may puno ng kamias. Pinipitas-pitas na lang namin.”
So, ayaw niya na ngayon ng chocolates?
Babae ba ulit o lalaki na ang susunod na magiging anak nila ni Dingdong?
“Ise-share naman namin sa inyo kung anong gender sa end of November,” ang natatawang sagot ng Kapuso Queen.
“Maraming hula, babae raw. May mga nagsasabi, boy naman daw,”
Pero para sa endorser ng Nailandia, okay lang sa kanya kung babae ulit o lalaki na ang susunod na magiging anak nila ni Dingdong.
“Kahit ano, okay ako. Pero sana, bigyan pa kami ni Lord, huwag ito ang last, isa pa. Hindi pa nga lumalabas (yung baby), humihirit na agad,” natatawang sabi pa ng sexy mom.
Samantala, ayon sa owner ng Nailandia na si Noreen Divina, malaking tulong daw sa kanila si Marian. Mula raw kasi nang maging endorser nila si Marian, ay dumami na ang branches nito, marami na raw ang nag-franchise.
From 30 plus, naging 113 na raw ang branches ngayon ng Nailandia. At masaya niya ring ibinalita na magkakaroon na raw sila ng branches sa iba’t ibang bansa.