May 22, 2025
Nairita ako–Alma Concepcion on Ms. Earth controversy
Latest Articles

Nairita ako–Alma Concepcion on Ms. Earth controversy

Nov 13, 2018

KASAMA ang “Sarah en Cedie” (directed by Errol Ropero) sa mga advocacy films na ipo-produce ng Flying High Productions na pinagbibidahan nina Alma Concepcion at Precious Lara Quigaman.

Nakausap namin si Alma. Gaganap sya bilang yaya nina “Sarah at Cedie.”

Dahil dati siyang beauty queen, kinuha namin ang reaksyon niya sa ni-reveal ng tatlong candidates sa nagdaang Ms. Earth 2018 na sina Miss Canada Jaime Vanderberg, Miss England Abbey-Anne Gyles-Brown at Miss Guam Emma Mae Sheedy, na nakaranas umano sila ng sexual harassment mula sa isang sponsor ng nasabing international beauty pagent.

Nalungkot ang beauty queen-actress nang makarating sa kanya ang tungkol dun.

“I felt bad, kasi in Bb. Pilipinas, wala kaming inte­raction at all sa sponsors, we see them from afar.

“For me, iyong masyadong too close interaction without protection, without security… I mean, kontrolado iyon dapat ng organizer.

“So, actually, matagal ko nang naririnig iyong mga ganoon,” sabi ng aktres.

Patuloy niya, “Nairita ako, kasi we’re sup­posed to market the Philip­pines in a nice way. We’re supposed to… they can create or destroy an image and I feel good and bad.

“Kasi good, dahil matututo na ‘yung taong concern, parang tumahimik ka na, umayos ka na and good din for the organizers, they should be on their toes,” aniya pa.

Bukod sa “Sarah and Cedie” ang iba pang advocacy films na gagawin ng Flying High Productions ay ang “The Prince of Music,” “My Music Hero Teacher,” “Mga Munting Pangarap” at “Science en Marsha.”

Leave a comment