May 23, 2025
Beauty Gonzales admits depression over getting fat after giving birth
Latest Articles

Beauty Gonzales admits depression over getting fat after giving birth

Nov 16, 2018

Grabe ang bonding moments nina Beauty Gonzales at ng kanyang “Kadenang Ginto” co-star na si Dimples Romana sa Kapamilya teleseryeng “Kadenang Ginto.”

“Sa set, wala kaming pinag-uusapan kundi ang mga anak namin. Masarap rin na may kabatuhan ka sa pagpapalaki ng anak mo. Nakakakakuha ako ng tips sa kanya at ganoon din siya sa akin. Nagshe-share kami pagdating sa mga anak namin,” aniya.

Two years old si Olivia, ang anak ni Beauty sa kanyang non-showbiz husband na si Norman Crisologo.

Hirit pa niya, wala raw kasing saya ang maging isang ina dahil nagbibigay ito ng fulfillment sa kanya bilang babae.

Aminado rin siyang tulad ni Lara Quigaman at iba pang nagka-baby, nahirapan din siya noong mag-lose ng weight pagkatapos manganak.

“It’s really hard. Mahirap talagang mag-lose ng weight pagkatapos manganak. Disiplina talaga iyan. Determinasyon talaga,” paliwanag niya.

Hindi rin ikinaila na dumating siya sa puntong na-depress dahil nadagdagan ang kanyang timbang at nag-iba ang pigura noong nagka-baby.

“Kaya nga ako pumayat dahil naging ganoon. Aminin natin kapag nanganak ka na, nag-iiba ang katawan mo. Sabi ko nga, pagkapanganak ko, hindi puwedeng ganito ako. Bata-bata ko pa kaya,” ani Beauty.

Kinarir daw talaga niya ang pagpapapayat pagkatapos manganak.

“Diet, exercise at ang daming prayers para mabalik sa dati,” bida niya.

“Let’s face it, kailangan, eh. Ito ang negosyo natin. Wala naman tayong choice dahil kailangan siya sa trabaho natin,” esplika niya.

Hirit pa niya, dahil nabalik na siya sa dating porma, mas confident na rin daw siya ngayon.

“I’ve been fat for almost all my life and then I got pregnant. For me to have this body right now, I worked my best talaga,” pagwawakas niya.

Dugtong pa niya, ready pa rin daw siyang magpa-sexy dahil sanay naman daw siyang rumampa sa Bench Bodies.

Malapit nang simulan ni Beauty ang pelikulang “Hipnotismo” (Ang Sumpa ni Loreta) na ididirehe ni Direk Joey Romero.

received_339535583511786

Isang horror film ito na pagbibidahan din nina Enzo Pineda, Ariella Arida, Polo Ravales at Mr. World Philippines 2018 JB Saliba.

Leave a comment