May 22, 2025
Gusto kong bumalik ang Babalu-Redford White comedy—Paolo Contis
Latest Articles

Gusto kong bumalik ang Babalu-Redford White comedy—Paolo Contis

Nov 26, 2018

Isa sa mga bida ng kontrobersyal na pelikulang “Ang Pangarap Kong Holdap” si Paolo Contis at hindi pa man naipalalabas ang pelikula, sobrang kuwela na ang reaksyon ng mga nakapanood ng trailer nito.

Sobrang wacky ng character ni Paolo bilang bagong recruit sa grupo ng small-time holduppers sa pelikula ni Direk Marius Talampas.

“To be honest, gusto kong bumalik ang Babalu- Redford White comedy na wholesome. Sa totoo lang, if there’s an avenue first to do it, then it must this. Maaaring bastos iyong pelikula, pero wala kaming in-offend na babae. Wala kaming skin na ipinakita. We could have done more considering na R-16 kami,”kuwento niya. 

“Kinontrol namin siya sa bastos na salita , bastos  na concept pero kung panonoorin mo  naman, wala siyang unnecessary hirit, eh. Nakakatawa lang,”dugtong niya.

Hirit pa niya, kung talagang nakakabastos daw ang pelikula ay isa siya sa magre-react.

“It’s all basic naman sa istorya. Alam naman natin ang boundary natin na hindi tayo nakaka-offend sa mga  kababaihan or any section, so okay ako sa ganoon,” paliwanag niya.

Nilinaw niya na hindi siya napasok sa pelikula dahil siya ang personal choice ng isa sa mga producers nitong si Alessandra de Rossi na naging leading lady niya sa “Through Night and Day.”

“Actually, nauna ito kesa sa “Through Night and Day” o siguro, isa lang siya sa mga nagdesisyon kasi may mga kinunsider pa naman bago ako nakasama sa final cast,” sey niya.

Masaya rin siya dahil nakatrabaho niya ang mga bagong sibol na komedyante tulad nina Pepe Herrera at Jerald Napoles.

“I saw it as an opportunity to work with new comedians ng henerasyon natin ngayon. Technically, matanda na ako to work with this group.  Iyong magkaroon lang ng cult following, masaya na ako… at kung magkaroon ng part 2, at least naroon na ako sa grupo,” esplika niya.

Flattered din si Paolo dahil sa mga papuring natanggap niya sa pelikulang “Through Night and Day” kung saan inaasahang mano-nominate siya sa iba’t-ibang award-giving bodies sa susunod na taon.

Hirti pa niya, hindi raw naman siya nahirapang mag-shift from comedy (kahit identified siya rito) to drama.

“Actually, hindi naman kasi ako nabibigyan ng ganoong katinding project, eh. Iyong last drama movie ko was “Litsonero.” Siyempre, when you’re on TV, ilalagay ka kung saan ka kung saan ka effective  kaya nandoon ako sa Bubble Gang…and Bubble Gang is a lot of work. Kapag nasa Bubble Gang ka, ang hirap gumawa ng projects outside and sometimes when you’re good sa isang bagay, minsan nao-overlook kung ano pa ang kaya mong ibigay which is not bad naman. Hindi naman masama na ma-typecast ka. At saka, they don’t see me crying all the time kaya siguro ganoon ang naging reception,” pagbabahagi ni Paolo.

Kahit napatunayan na ang galing sa drama, wala raw siyang balak iwan ang pagku-comedy.

“Hindi ko iiwan ang comedy. Mahal sa akin ang comedy. Pag wala na akong napapatawa, saka ko iiwan ang comedy pero ngayon masaya naman ako na pinapanood pa ako,” aniya.

Kung ang ibang mga artista ay nagsipaglipatan na at nag-ober da bakod, wala raw siyang balak na iwan ang GMA-7.

“Bakit ko naman iiwan ang GMA? They’re loyal to me . Hindi naman lingid sa kaalaman ng tao na when I was a Kapuso, during that time, marami akong mga pinagdaanan. During that time, diyan nangyari iyong malulungkot na parte ng buhay ko but GMA gave me work. GMA stayed and that shows that I should give my loyalty as well,” sey niya.

3ecc3673-13b7-4713-a40d-5f374d1a4a11

Bukod kay Paolo, bida rin sa “Ang Pangarap Kong Holdap” sina Pepe Herrera, Jerald Napoles at Jelson Bay.

Ito ay iprinudyus ng Marvs Productions ni Erwin “Lucky” Blanco na isa sa mga producers ng “Kita Kita” at idinirek ni Marius Talampas.

Leave a comment