May 23, 2025
Eddie, Gloria, Tony prove acting requires no age—Joel Lamangan
Latest Articles

Eddie, Gloria, Tony prove acting requires no age—Joel Lamangan

Nov 29, 2018

Entertainment editor: JOSH MERCADO

Sobrang proud si Direk Joel Lamangan na muling makatrabaho ang dalawa sa pinagpipitaganang haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino na sina Gloria Romero at Eddie Garcia sa pelikulang Rainbow’s Sunset na kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.

“Nakatrabaho ko na si Eddie sa “Deathrow.” Pareho ko rin silang nakatrabaho sa  “Fuschia,” so gamay ko na sila,” pagbabalik-tanaw ni Direk Joel.

Bumilib din daw siya sa ipinakitang professionalism ng kanyang mga bida sa naturang pelikula na isinulat ng award-winning writer na si Eric Ramos.

31a4002b-f8c5-4378-88fe-c0a80e692762

“Very instinctive sila as actors. Despite their age, hindi pa rin nawawala iyong brillo nila. Alam na nila ang emosyon, hindi mo na sila kailangang idirek. You just have to explain kung ano ang sitwasyon na pinanggagalingan,” aniya.

Saludo din siya kina Tirso Cruz III, Aiko Melendez at Sunshine Dizon na nakipagsabayan sa pag-arte sa mga beterano.

“Mahuhusay sila, pati iyong mga lumabas na mga anak nila. Aware sila na mga beterano ang makakatrabaho nila kaya hindi sila nagpahuli,” paliwanag niya.

Very relevant din daw ang pelikula lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.

“It’s a family movie fit for Christmas. Very timely ang pelikula. Tungkol siya sa isang pamilya at kung paano sila nag-cope sa kanilang problema. Relatable rin ito kasi, tungkol din ito sa pagtanggap sa isang tao anuman ang kanyang gender o sexual preference kasi kung mahal mo ang kapamilya mo anumang gender meron siya, ang tinitingnan mo ay iyong puso,” paliwanag niya.

Bilang isang filmmaker, natutuwa rin siya na natatanggap na ng mga manonood ang mga pelikulang LGBT –themed.

Tulad ninuman, nilinaw din niya na ayaw niyang gawing caricature o katatawanan ang mga karakter na miyembro ng LGBT community sa kanyang pelikula.

“Tapos na ang panahon na ginagawang caricature ang mga lesbians o gays sa pelikula. Ito na iyong panahon ng pagkilala sa katatayuan at kaanyuan ng mga bading o lesbyana na hindi sila’y tao, na sila’y hindi dapat ginagawang katatawanan, na lahat sila ay tao rin na tulad ng sinumang mamamayang namumuhay ng ordinaryo,” aniya.

“Ako, naniniwala ako sa totoo. Ang totoo, hindi sila ganoon. Buong-buo ang kanilang pagkatao at hindi one-dimensional. Meron din silang damdamin, meron silang karunungan. Kung bibigyan ng pagkakataon, puwede silang maging responsable at kapaki-pakinabang na mga mamamayan,” dugtong niya.

Naniniwala rin si Direk Joel na bukas at tanggap na ng ating lipunan ang pagkakaroon ng LGBT  sa ating komunidad.

“May mga karapatan sila. Karapatan nilang lumigaya. Karapatan nilang mag-out whether tanggapin sila o hindi tanggapin, hindi na nila iyon problema. As long na wala silang sinasaktan o sinasagasaang tao,” pagwawakas niya.

Ang “Rainbow’s Sunset” na iprinudyus ng Heaven’s Best Entertainment ay kuwento ng isang 84-anyos na retiradong senador na pansamantalang iniwan ang kanyang asawa sa loob ng anim na dekada upang makapiling ang kanyang maysakit na kumpadre at kaibigang lalake  na may taning na ang buhay.

Kasama rin sa cast ng pelikula sina Jim Pebanco, Tanya Gomez, Sue Prado,Marcus Madrigal, Noel Comia, Jr., Ross Pesigan, Ali Forbes, Adrian Cabido, Neil Marie Dizon, Hero Bautista, Vince Rillon, Zeke Sarmenta, Tabs Sumulong, Benz Sangalang, Ace Café at Celine Juan. 

May espesyal na partisipasyon si Albie Casino at ipinakikilala si Shido Roxas.

Palabas na ang pelikula simula sa Disyembre 25, araw ng Pasko.

Leave a comment