
From Acute Stroke Care Unit , kuya Germs inilipat na sa Private Room
by John Fontanilla
Ililipat na ng Private Room last January 06 , 2014 ang Mastershowman na si German Moreno mula sa Acute Stroke CareĀ Unit ng St. Lukes Hospital E. Rodriguez , Quezon City kung saan naratay ito simula pa nung Friday January 03 , 2014 nang ma-mild stroke ito dahil sa over fatigue.
Kuwento nga ng Secretary nitong si Ms. Chuchie Fajardo “ililipat na sa Private Room si Kuya Germs mula sa Acute Stroke Care Unit.
“Okey na si Kuya Germs bumubuti na daw ang kalagayan nito.
Nakakausap naman daw si Kuya Germs pero bawal pa rin daw itong tumanggap ng bisita “Okey na si Kuya Germs pero bawal pa tumanggap ng bisita dahil na rin sa utos ng Doctor.
“Siguro sa mga susunod na araw baka puwede nang bisitahin si kuya Germs.
“Kailangan lang magpahinga ni kuya Germs para mas mapabilis ang kanyang pag galing.
Humihingi nga daw ng paumanhin ang pamilya ni Kuya Germs sa mga taong nagmamahal at magmamalasakit sa Mastershowman na gustong dumalaw dahil hindi pa rin ito puwedeng bisitahin dahil na rin sa utos ng Doctor.
Nagpapasalamat nga ang Pamilya nito sa mga taong patuloy na nagdarasal para sa mas mabilis na pag galing ng nag iisang Mastershowman.
Ilan sa mga anak anakan nitong bumisita na sina Billy Crawford at Jake Vargas at mga
Big Bosses ng GMA 7.
Follow me…