May 25, 2025
Kim Chiu highlights bathtub scene in ‘One Great Love’
Latest Articles

Kim Chiu highlights bathtub scene in ‘One Great Love’

Dec 17, 2018

Handog ng Regal Entertainment ni Mother Lily Monteverde, bida si Kim Chiu sa pelikulang “One Great Love” na may maiinit na eksena sa bathtub at bed.

Kwento ni Kim, kasama naman sa istorya ang mga eksenang iyon at hindi basta ginawa lamang. Bilang aktres, mas nag e-explore na raw sya sa kung ano pa ang kaya nyang gawin sa kanyang karakter sa pelikula.

Kasama ng Kapamilya actress sa maiinit eksena sina Dennis Trillo at JC de Vera. Puring puri ni Dennis ang aktres sa kanyang pagiging professional at pagiging mahusay.

Sa bathtub ng yate kinunan ang love scene. Mayroon din sa fireplace at sa mismong bed. Pinag-usapan sa social media ang pelikula dahil ibinida sa trailer ang mainit na eksena sa bathtub.

“Kailangan ang mga eksena. Not naman parang porno para may sexy factor lang. Nasa istorya naman ng buhay nila. Na actually, the scene should be in a bedroom sana. But since nasa yate kami at maliwanag pa, dun sa bathtub ng yate para kita ang horizon and dusk. Mas dramatic effect na bumagay sa scene.”

Bukod sa love scene, makikita rin sa pelikula ang kahulugan ng great love sa tatlong characters. Natutuwa ang direktor na si Eric Quizon na nabigyan sya ng chance na makatrabaho ang tatlo sa magagaling na artista sa kanilang henerasyon.

Pahayag ni Quizon, may mga input daw ang kanyang mga artista na mas nakatulong sa kanya bilang direktor. 

“Hindi ako nahirapan in the sense na like si Kim is into her character so much. Gusto rin naman pala nila ‘yung nakakapagbigay sila ng input.”

Ginagampanan ni Chiu ang character ni Zyra Paez. Kasama rin sa pelikula sina Miles Ocampo, Marlo Mortel, at marami pang iba. 

Showing ito simula December 25 sa lahat ng sinehan sa bansa. 

Leave a comment