
Leonora Sy announces new show; ‘Saludo’ features Guwapulis on PTV-4
Kasama na sa adbokasiya ng businesswoman, at tv host-producer na si Leonora Sy ang patuloy niyang pagpapalaganap sa kabutihan at serbisyo publiko ng kapulisan. Naging matagumpay ang kaniyang drama anthology sa GMA News TV na Uniporme, na kauna-unahang Heroserye sa Philippine TV.
Talagang ang puso niya bukod sa pamilya ay inilalaan niya sa mga tagapagtanggol ng bayan. Sobrang malapit talaga siya sa kapulisan.
“Hindi nakakapagtakang malapit ako sa mga pulis dahil asawa ko ay isang pulis. Marami akong kaibigang pulis at sobra ang tiwala ko sa kapulisan.”
Gumawa at nagprodyus siya ng programa tungkol sa buhay ng tinaguriang Men in Uniform para ipaalam at ipakita sa mga manonood ang kabutihan ng mga ito.
“Gaya ng palagi kong sinasabi hindi lahat at marami sa mga pulis ang matuwid at ginagawa nang tama ang kanilang trabaho,” pagmamalaki niya.
Kahit abala siya sa kaniyang mga ginagawa ay hindi niya napapabayaan ang kaniyang pamilya.
“Iyan ang hindi ko pwedeng pabayaan. Sinisiguro ko na bago ako pumunta sa work ay nagagawa ko ang responsibilidad ko sa aking asawa at mga anak.”
Siyangapala, pagkatapos ng programang Uniporme ay may bagong pagkakaabalahan na naman si Ms. Leonora at ito ay bago niyang show sa PTV 4 na malapit nang mapanood. “Saludo” ang titulo ng palabas at katulad ng Uniporme ay kuwento rin ito ng kapulisan.
Ang maganda rito na tiyak na marami ang mag-aabang ay ang mga bibida rito bukod sa pagho-host ni Leonora at General Rhodel Sermonia ay ang mga GUWAPULIS na kinabibilangan nina Willy Quinto, Alexander Po, Jeff Payumo,
Richard Pangilinan at si Mr International na si Niel Perez. Kasama rin sa show ang kaibigan naming si Dennis Macalintal.
Of course, hindi naman puro kaguwapuhan ang ipapakita ng mga ito sa show kundi ang galing din nila sa pag-arte at siyempre ang aral at inspirasyon na maibibigay nila sa publiko sa pamamagitan ng “Saludo” na malapit nang mapanood.